CHAPTER 2
HINDI siya nakatulog sa kuwartong iyon kahit pa ni-lock niya ang pinto. Isang oras yata siyang nagbabad sa bath tub bago ito nagsuot ng shorts at T-shirt na pantulog. Hindi siya nakatulog kahit pa sa isipan niya’y hindi siya naniniwala sa sinabing iyon ng don sa bulwagang iyon. Imposibleng maging imortal ang isang tao, sabi niya sa sarili. At lalong imposibleng mangyaring na siya ang magiging future wife ni Hans. Ipinalagay niyang may pagka-wirdo ang matanda o di kaya’y ulyanin na.
Nang marinig niya ang mga sinabi ni Don Patricio sa bulwagang iyon ay gusto na sana niyang umalis. Labis siyang nahiya sa ginawa niyang pagpasok sa bulwagang iyon. Nagpaalam siyang umalis ng mansiyaon pero pinigilan siya na ng don. Pumayag na rin siyang mamalagi lalo na nang magsalita si Hans: “No, you won’t leave this house, April.”
Tulad ng don, may command kung magsalita si Hans, pero ang kaibahan nga lang ay parang nagustuhan niya ang uri ng command meron ang binata. May kakaibang pakiramdam sa kanya ang tinig ni Hans. Parang gusto niyang sumunod sa bawa’t sabihin pa ni Hans! Am I attracted to him?
Yes, ang unang sagot ng isip niya pero binura niya iyon nang bigla-bigla. Naisip niya, hindi puwede, dahil weird ang ama nito at natural na pati ang anak nito ay ganoon din.
Dahan-dahanay tumayo si April sa kanyang kama, napahawak sa noo. Medyo masakit ang kanyang ulo, marahil dahil wala nga siyang tulog. Naalala niya ang sinabi ng matanda na ano man ang kailangan niya ay sabihin lamang sa mga kasambahay. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nadagdagan ang pagkahilo niya nang masulyapan sa ibaba ang lobby. Napakataas pala ng ceiling nito, naisip niya. Napahawak siya sa barindilyas ng hallway. Sa haba ng hallway ay hindi niya kaagad makita ang hangganan niyon, pero sa dulo ay may pintuan rin na sa tingin niya ay isa rin sa mga silid. Sa tabi ng pinto ng kuwarto sa dulong iyon ay malapit doon ang hagdanan paibaba ng ground floor kaya dumiretso siya at lumiko patungo sa hagdanan upang bumaba. Nanatili siyang nakahawak sa barandilyas ng hagdanan nang biglang bumukas ang pinto ng katabing silid. Iniluwa ng pinto si Hans.
“Sorry,” biglang sambit ni April.
“For what?”
“Sorry for what?” Inulit pa ni Hans ang tanong niya.
“For disturbing. Baka natutulog ka pa,” sagot ni April.
Natigilan si April nang makita niyang half naked ang kanyang kaharap. Tanging tapis lamang ng tuwalya ang nakatakip sa ibabang parte ng katawan ng binata. Itinuon ni April ang tingin sa sahig dahil nakaramdam siya ng pagkapahiya. Napanganga siya dahil bumungad sa kanya ang bandang ibaba—ang alon-alon na abs ni Hans. Dagli niyang ibinaling ang tingin palayo sa katawan ni Hans.
“Ah, wait,” nasambit ni Hans, bumalik na muli sa kuwarto.
Dagling bumalik si Hans na may suot ng bathrobe at naabutan pa niya si Arpil.
“Wait,” habol ni Hans kay April, napahawak ang binata sa siko niya. Napahinto si April sa pagkakahawak ni Hans. Kahit sa siko lamang ay naramdaman niya ang makapal na palad nito. Mainit ang palad nito na bagama’t magaspang ang mga iyon, para sa kanya isa iyong katangian ng isang lalaki.
Nanatiling nakayuko si April; hindi niya nagawang umiwas rito.
“Hindi ako sanay na may kasama sa bahay. I am not used to it kaya madalas wala akong shirt.”
“It’s ok.”
Naisip niya, tama nga ba ang sagot niyang ‘It’s ok’? ‘It’s ok’ dahil para bang nagustuhan niya at humanga siya sa magandang pangangatawan ni Hans? Pero kahit na na-embarrass siya ay hindi na lamang niya pinahalata.
Kahit na ngayong naka bathrobe si Hans ay lalo pa yata itong naging attractive sa tingin niya. Hindi niya maiwasan na mapansin ang malapad at nakaumbok na chest nito. Walang pabango si Hans, may pawis pa nga ito sa dibdib, pero may natural itong amoy na kahit hindi na ito magpabango ay higit pa ngang nakaka-attract sa kanya. His scent is very manly, isip niya.
“Can I ask you something?” muling sabi ni Hans. Marahang binitawan ang pagkakahawak nito sa siko ni April.
“I need to see manang, I mean the maid kasi masakit ang ulo ko. I think I need a paracetamol?” sabi ni April.
“Ah, hindi ka nakatulog? Namamahay ka?” Ngumiti si Hans sa kanya. Ngayon ay napansin ni April ang magandang ngipin ng binata at ang kabuuan ng mukha nito na mistulang nililok ng isang mahusay na iskultor; ang matangos nitong ilong at ang kanyang squared face na parang isang modelo na madalas niyang makita sa mga GQ magazine. Cross between Antonio Banderas at Channing Tatum ang hitsura nito.
“Yeah, medyo namamahay nga. I used to sleep with my aunt and it’s a condo. It’s not a huge house like this. Adjusting maybe?” malumanay niyang sagot.
Muling ngumiti si Hans. “Akala ko’y may inaabangan ka?”
“What exactly do you mean, Mr. Sandejas?” Hindi naiwasan ni April na tumigas ang kanyang tinig. Tumingin siya saglit sa lalaki at muling umiwas din kaagad.
“Nothing,” mabilis na sagot ni Hans. Napailing pa ito.
Hindi ako cheap na babae at hindi basta-basta papatol sa isang lalaki. Kung iyan ang iniisip mo! Hiyaw ng isip ni April.
“Can I ask you something? Since nasa isang bubong lang naman tayo, gusto lang kitang makilala, April.” Muli may command at hindi niya magawang balewalain ang sinasabi ng binata. “Do you have a boyfriend?”
“I don’t have one and I haven’t had a boyfriend… yet…”
Inayos ni Hans ang kanyang bathrobe; tinakpan ang dibdib at hinigpitan ang tali niyon sa kanyang waistlaine. Ngumisi itong muli na para bang natuwa sa sinagot ni April. Humakbang ito pabalik, pumasok sa kuwarto at isinara ang pinto. Bahagyang gumawa ng ingay ang pinto nito ikinagulat ni April; na para sa kanya ay napakalakas ng pagbagsak ng pintong iyon kasi’y naisip niya na sa unang pag-uusap nila ng lalaki ay na-realize niya na may pagka-arogante ito at hindi lamang iyon—tinanong pa kung may boyfriend siya. At ang isinagot pa niya’y napaka-spontaneous—‘I don’t have one…yet?’
Ngayon lamang nag-sink-in sa isip niya na para bang pinaramdam niya kay Hans na may gusto siya rito. Gusto niyang bawiin ang kanyang sinabi. Gusto niyang tanungin si Hans kung bakit niya naitanong iyon sa kanya. At bigla niyang naisip… may kakaibang command nga ang lalaking ito sa kanya na hindi niya maintindihan.
Pero hindi niya mabola ang kanyag sarili na attracted nga siya kay Hans Sandejas.
Nagulat at natigilan si April sa muling pagbukas ng pinto. Muling bumalik si Hans!
“You don’t have to look for manang,” iniabot nito ang tableta ng paracetamol sa kanya.
Bigla’y may nadama siyang kakaibang haplos sa kanyang puso—walang reaksiyon na bumakas sa kanyang mukha—at ni hindi nagawang magpasalamat ni April sa lalaki.
BINABASA MO ANG
SHARED (Published under PHR Gothic)
RomanceSa unang pagkikita pa lamang nila ni Hans ay nakadama na siya ng matinding atraksiyon. Nakapanghina ng kanyang tuhod ang presensiya ng binata. Paano kung malaman niyang ang kalahati ng puso niya ay ang lalaking kaharap ang nagmamay-ari? Ang lalaking...