CHAPTER 9

3.7K 106 4
                                    

CHAPTER 9

SA Google hinanap ni April ang pangalan ni Luis sa pangalang Luisito Novero. Nakita niya roon na siya ang VP for export ng Villaroman Holdings pero hindi niya makita ang kanyang mukha kaya hindi na niya alam kung ano ang hitsura nito ngayon.

Pakiramdam niya hindi na siya makatagal sa ano mang katanungang bumabagabag sa kanya kay Luis. Basta ang alam niya ay gusto niya itong makita. Pagkatapos niyang magshower at magpatuyo ng buhok sa blower ay tiningnan niyang mabuti ang kanyang sarili. Makikita ko kaya si Luis? Ano kaya ang hitsura niya? Ano kaya’ng sasabihin niya sa akin? Magustuhan kaya niya ‘ko? Sana sa kaniya na huminto ang mga kahibagang ito. Sana matulungan niya ko.

UNA’Y namili siya ng isusuot niyang damit. Mula sa maletang dala niya ay inisa-isa niya roon ang mga damit na maaari niyang isuot. Finally ay pinili niya ang isang simpleng damit na kanyang isinuot nang mag-debut siya. Simple lamang ito, palibhasa hindi naman siya nag-celebrate sa isang magarang hotel kundi sa isang fine dining restaurant lamang kasama ang kaniyang tatlong close friends na kanyang kaklase kaya kung tutuusin ay napaka-casual lamang nito—plain color royal blue na may mahabang manggas na bestida na halos walang disenyo maliban sa napakaganda nitong fabric na bagsak hanggang itaas ng kanyang tuhod. Maganda itong tingnan sa napakagandang hubog ng katawan ni April. Saglit siyang tumingin sa salamin—kitang-kita niya ang kanyang kabuuan sa mismong sliding door ng closet na  nagsisilbing salamin ng dresser. Kinuha niya sa kanyang bag ang kanyang makeup. Hindi gaanong marunong mag-makeup si April kaya kakaunti lamang ang pinahid nito sa kanyang mukha. Naglagay siya ng light brown color bilang eye makeup at ganoon na rin sa kanyang mukha para ma-highlight ng kaunti ang kanyang cheekbones. Lumabas na natural ang magandang mukha ni April. Napangiti siya saglit at kinuha ang kanyang bag—lumabas at isinusi ang condo.

Sa Salcedo Village, Makati matatagpuan ang building ng Villaroman Holdings. Kagaya ng Peak Industries na pag-aari nina Hans, isa itong maituturing na skyescraper ng Makati. Mataas ito at nakakalula rin.

May kinse minutos na siyang nakatayo roon pero hindi pa niya nagagawa ang pumasok sa building ng Villaroman.Pinagmamasdan ni April ang mga taong lumalabas at pumapasok at baka isa roo’y si Luis. Pero nang maisip niyang isang VP nga pala si Luis at hindi niya maaaring gawain ang dumaan mula sa lobby kundi sa parking sa basement ng building at normal lamang na may kotse ito kaya naisipan na rin niyang tuluyan nang pumasok ng building.

Kagaya ng ibang mga building sa business district ng Makati, maselan ang mga guwardiya. Kinailangang ibigay niya ang kanyang I.D. upang makakuha ng Visitor’s Pass. Sa log book na kung saan nakalagay kung ano ang purpose niya, nag-isip siya saglit kung ano ang kanyang isusulat.

“Ma’am, ano pong kailangan niyo sa main office?” tanong ng babaeng guwardiya. Pormal ang ladyguard, nakasalamin at sa tiningin ni April ay hindi ito marunong ngumiti.

“Ah, I have to… I have to see Luisito Novero.”

“Si Sir Luis ba ang tinutukoy niyo?”

“Yes! That’s right. Si Luis.”

“Alam ba niyang darating kayo? What’s the purpose of your meeting?” Tiningnan siya nang diretso ng ladyguard sabay taas nito sa salamin na waring gustong tignang mabuti si April.

Hindi nakasagot si April. Ganito si April—hindi siya sanay magsinungaling.

“’Di na bale, Miss.”

Napaurong na lamang si April at ibinigay na muli ng guwardiya ang kanyang I.D. at binawi nito ang Visitor’s Pass sa kanya.

Pero nang tumalikod siya ay natigilan siya sa kanyang narinig.

SHARED  (Published under PHR Gothic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon