CHAPTER 26
MARAHIL nga’y dala ng matinding pagod ay nakatulog si April sa cabana. Nang magising siya’y nag-shower siya saglit at nag-blower ng buhok. Tuluyan nang nabura ang natitira niyang makeup na kahit wala naman siya nito’y lalo siyang gumaganda kapag matagal siyang tinititigan sa kanyang natural na ganda.
Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin nang isuot niya ang red dress na iyon. Made of silk ang tela nito, hapit sa kanya at bagsak ang fabric nito kaya kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan; sleeveless at mababa ang neckline kaya kitang-kita ang napakagandang hubog ng dibdib. Ang haba ng damit ay saktong nasa ibaba ng kanyang tuhod. Hinayaan na lamang niya ang kanyang buhok na nakalugay. Lalong tumambad ang natural beauty na iyon ni April. Napangiti siya saglit sa salamin nang makitang satisfied na siya sa kanyang kabuuan. Tiningnan niya ang relo sa dingding at nakita niyang, tatlong minuto na lamang ay alas dose na ng gabi.
Pagkaraan ng ilang saglit ay biglang tumigil ang romantic music na nanggagaling sa saxophone sa cabana. Natigilan siya. Bumukas ang pinto. Nakita niya ang nakangiting si Hans na nagbukas nito.
“It’s time, April. It’s twelve midnight at sinusundo na kita.” Iniabot nito ang kanyang kamay.
Napangiti si April at marahang humakbaang patungo kay Hans. Nakangiting sumalubong at ibinigay ang kanyang kamay rito. Nang lumabas siya ng cabana ay unti-unting nawala ang nakapakong ngiti ni April—nakita niya ang iba pang mga cabana na bukas din ang mga pinto. At ang lahat ng mga miyembro ng Club rufus ay naroroon din sa kani-kaniyang pinto ng cabana. At ang higit pa niyang ikinagulat ay nang makita niyang may mga babaeng lumabas din doon na gaya niya ay nakasuot din ng red dress! At lahat sila ay naggagandahan. Nakangiti silang lahat maliban sa kanya—punong-puno nang pagtataka ang kanyang mukha.
Biglang humigpit ang pagkakahawak ni April sa kamay ni Hans.
“Hans?” Tuluyan siyang naguguluhan sa kanyang nakikita.
“Okay, just stay..,” bulong ni Hans sa kanya na hindi ito binitawan ang kanyang kamay.
Pinagmasdan ni April ang mga babae na hawak-hawak ng bawat miyembro. Tulad ni Hans, lahat sila ay nakasuot ng puting shirt at jeans.
Wala siyang kakurap-kurap na nakakatitig sa nasasaksihan. Nakita niya na ang bilog na buwan at ang mga nakahilerang torch na nakatanim sa lupa na nasa gilid ng dinadaanang pathway ng mga miyembro at ng mga babaeng naka-red dress lamang ang siyang nagbibigay liwanag at ilaw sa kanila patungo sa main bridge. Kinikilabutan siya sa kanyang nakikita.
Nanatili silang nasa pathway at hindi humakbang—pinagmasan lamang ang papalayong mga miyembro at ang mga kasamang babae habang sa kalayuan ay nakikita niyang unti-unting nilalamon sila ng dilim.
Tumingin siya kay Hans at pabulong niyang pinakawalan ang tanong. “What’s this Hans? Bakit ayaw mong sabihin?”
“Sumama tayo sa kanila.”
Pumigil ang kamay niya.
“Bakit ka natatakot April?” Kahit hindi nito itinuloy ang sinabi ay alam niya ang kasunod na sasabihin nito—I’m here.
Bantulot siyang humakbang, dahan-dahan lamang. Mabigat ang kanyang hakbang at nanatiling mahigpit na nakahawak kay Hans. Hinaplos ni Hans ang kanyang buhok at ipinahilig nito ang ulo na parang batang inaalo na nagsasabing—‘Huwag kang matakot’.
BINABASA MO ANG
SHARED (Published under PHR Gothic)
RomanceSa unang pagkikita pa lamang nila ni Hans ay nakadama na siya ng matinding atraksiyon. Nakapanghina ng kanyang tuhod ang presensiya ng binata. Paano kung malaman niyang ang kalahati ng puso niya ay ang lalaking kaharap ang nagmamay-ari? Ang lalaking...