CHAPTER 11
SA ISANG maliit na kumpaniya—sa isang travel agency sa Cubao namasukan si April. Kailangan niya ng trabaho upang matustusan ang kanyang sarili. Naisip niyang dito magtrabaho dahil ayaw niya sa Makati—umiiwas siya kay Hans. Malapit lamang ang nakuha niyang kuwartong inuupahan sa kanyang pinagtatrabahuan.
Nang malaman ni Hans na namasukan sa maliit na kumpaniya si April ay tinawagan niya ito kaagad.
“Are you crazy, April, dito sa Peak mabibigyan kita ng trabaho, what the hell are you doing there?” Naroon na naman ang matigas na tinig ni Hans.
“You don’t understand. I have to be independent, Hans. Isa pa, I could not cope with things na hindi ko masakyan. And please, stop bothering me.”
“I won’t,” matigas nitong sagot.”
“And what’s this?”
“April, that’s a small company at baka wala pa sa minimum ang suweldo mo.”
Ang yabang nito, ‘kala mo kung sino.
“April?”
“Mr Sandejas, ganito lang kasimple. I will run my life. And you run yours.”
Huminga ng malalim si Hans. At iyon ay dinig na dinig ni April habang kausap ito sa cellphone.
Sa opisina ni Hans, makikitang tinakpan niya saglit ang receiver ng phone; nagpupuyos siya ng galit sa kausap.
Bumalik siyang muli sa pakikipag-usap kay April. “April, are you still there?”
“Yes,” malumanay ang boses ni April.
“Hindi pa ba sapat ang mga nakita mo? Sa akin at kay Papa?”
Bigla niyang naisip ang mga bagay na ipinagtapat nilang dalawang mag-ama—na sila ay mga bampira—ang biglang paglubog at paglitaw ni Hans, ang pagkukulay dugo ng kanyang mga mata… at ang isang pusong pinaghati nilang dalawa.
“Mr. Sandejas,” nag-isip siya ng sasabihin. “As I have said… hindi ko masakyan. I am not a vampire. I want to lead a normal life. And with you, I don’t feel safe…”
“April, half of your heart belongs to me,” huminga ng malalim si Hans, nilinaw ang mga salitang binitawan.
“How can I believe that?”
“Then why don’t you check. I bet you, doctors will say you’re a freak.”
Napaisip si April, dahan-dahang huminga, napahawak sa kanyang dibdib.
“Please… I want to stop this… this conversation. Kailangan ko lang magpahinga, Mr. Sandejas. I have been through a lot of… Napagod ako…” Napayuko na lamang si April at ipinatong ang siko sa mesa at sinapo ang noo ng kanyang palad.
“Ok, April. Take care. Just take care.”
Pinindot ni April ang cellphone at tuluyang ipinikit ang mga mata sa kagustuhang maibsan ang bumabagabag sa kanyang sarili.
TAMA ang mga numerong pinindot ni Luis. Tinawagan niya si April at sa Cubao na sila nagkita. Sinundo niya ito sa pinapasukang travel agency at nagtungo sila sa Mandarin Restaurant sa Gateway. Nang makausap siya ni April ay hindi siya nagdalawang isip sa alok ng binata. Gusto niyang umalis at gusto niyang makawalasa mga pinagdaraananan niya at naisip niya na kailangan niya ang isang Luis upang may makausap.
“I am sorry, April. The first time we’ve met in the building, remember, umalis ako kaagad kasi importante lang,” malumanay na salita ni Luis.
“Wait, April I haven’t asked you this question pero sana puwede?” nakangiting nagtanong ang binata.
“Ok, ano yon?”
“May asawa ka na?”
“Ano ka ba, ni boyfriend nga wala, asawa pa,” natatawang sagot ni April.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Luis at napakagat sa labi—“Yes! Good!”
Biglang natigilan si Luis at naghari saglit ang katahimikan—nagtitinginan sila. Biglang natawa si Luis sa kanyang naging biglang isinagot. Ganoon din si April. Namula ang pisngi ng binata.
Patuloy sa pagtawa ang dalawa at nang magsubside ito…
“In my case, marami. I mean, marami akong nagugustuhang babae kaya lang importante sa akin ang pag-aaral at ngayon career naman,” nakatawa pa ring sabi ni Luis.
“Istrikto si Tita Fiona, sister ng mother ko. Sumunod lang ako sa kanya—tinapos ko ang pag-aaral ko. Huwag daw akong magpaligaw, kaya iniwasan ko ang mga lalaki.” Naging seryoso bigla ang mukha at tumingin siya ng malayo. “Dahil sinabi ko sa sarili kong ayoko nang balikan ang napagdaanan ko noong bata pa ako.”
“Yes, yes, you are right, April. Walang masama sa gusto ng iyong Tita Fiona.”
“I know,” binalikan niya sa kanyang plato ang salad na inorder niya, “I know.”
Wala silang ginawa kundi magkuwentuhan lang—ang trabaho at pagbabalik-tanaw nila noong mga bata pa lamang sila. Nabanggit din ni April ang madalas na pagpapakita sa kaniya ni Sebastian.
SA PRIVATE office ng Villaroman Holdings ay kanina pa pinapanood ni Don Alvaro kasama ang kanyang dalawang anak na sina Adix at Maxine ang tape mula sa CCTV camera. Si Don Alvaro ay isang tipikal na old rich kung kumilos. Ang mukha niya ay yaong nasa mid 60’s pero. Mabagsik ang kanyang mukha dala marahil ng kanyang prominenteng cheekbnes at ang balbas na maitim sa kanyang baba. Mahina kung magsalita si Don Alvaro pero may pagka-dominante ang kanyang tinig. Si Adix ang kanyang panganay. Squared face at mahaba ang kanyang buhok. Matangkad ito at maganda ang kanyang pangangatawan. May bigote at mabagsik ang kanyang mukha. May pagkasingkit ang mga mata nito na para bang lahat ng titingin sa kanya ay mapapayuko dahil mabagsik ang mga ito. Si Maxine ay kaakit-akit—malambot ang aura ng kanyang mukha at puwedeng-puwedeng maging modelo; kahit anong damit ang kanyang isuot sa kanyang pangangatawan ay babagay sa kanya. Mistulang Barbie doll ito sa kanyang kagandahan.
Sa CCTV camera na kanilang pinapanood ay naroon sa screen si April; ito ay noong magtungo ito sa building at kausap ang ladyguard.
“I got hold of this yesterday, Papa,” sabi ni Adix. “Nakita ko si Luis na kausap ang baabeng ‘yan.”
“And who’s that girl?” naiiritang tanong ni Maxine.
“That, we have to find out,” sagot ni Don Alvaro. “Dahil sagabal siya sa ating mga plano.”
Nagtinginan ang tatlo habang hinahayaang nagpe-play ang taped CCTV.
BINABASA MO ANG
SHARED (Published under PHR Gothic)
RomanceSa unang pagkikita pa lamang nila ni Hans ay nakadama na siya ng matinding atraksiyon. Nakapanghina ng kanyang tuhod ang presensiya ng binata. Paano kung malaman niyang ang kalahati ng puso niya ay ang lalaking kaharap ang nagmamay-ari? Ang lalaking...