chapter 9 : lecheng uniform
.
Sam POV
arghhh!! buwiset na buhay to oh. hangang ngayon kasi di ko makalimutan yung halik ni demonyito. lecheng lalaki yun ninakaw pa ang first kiss ko hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na yun january 31, 2014 , 6:00 pm ng hapon sa parking ng mall. oh diba alam na alam syempre sinulat ko pa yan sa papel yun eh.At ito pa dumagdag pa tong uniform. bakit kailangan pa ng lecheng uniform na to ang ikli-ikli nakakaasar. para ka nang alang suot na palda sa sobrang ikli nito. lilitaw na ata ang panty pag tumuwad ka. naku kung pwede lang bigwasan nakaisip nito nakatikim na siguro sakin yun. di ako pwedeng pumasok ng ganito ang suot mamamatay ako. ang OA ko ba? wala kayong magagawa OA talaga pag ganito suot eh. naghanap ako ng damit pang-ibaba para di makita legs ko, hoy!! hindi sa maraming kurikong ang hita ko noh basta ayaw ko lang maexpose maliwanag!? nakakita naman ako ng isang jogging pants. dinoble ko yun sa loob ng palda ko. bali ang suot ko eh boyish cap with blouse and skirt with matching jogging pants sa loob at saka rubber shoes. baduy ba!? ala kayong magagawa eh sa gusto ko ganito eh, sabi nga nila walang basagan ng trip.
.
lumabas na ko ng kwarto ko para pumasok. nandito na ko sa campus. ang bilis ba? talagang ganun. eh di nandito na nga ako, lumabas ako sa kotse ko paglabas ko lahat ng mata nakatingin sakin syempre ikaw ba naman ang magasuot ng skirt with matching jogging pants tingnan ko lang kung di kayo pagtinginan. pero di ko na lang sila pinansin wala naman silang magagawa noh. inayos ko ang sarili ko chin up , stomach in , chest out , straight body then lakad. hanggang sa makarating ako ng accountany building di parin naalis ang tingin nila sakin. naaasar na ko ah!. pag di nyo inalis ang tingin nyo sakin dudukutin ko isa-isa ang mga mata nyo!!! sigaw ko sa kanila. mga wala kasing magawa sa buhay sigawan ko nga. pagkasigaw ko nakita ko silang nagasiyukuan, yan dapat behave. sigurado kalat na ang beauty ko sa buong campus pagkayari ng pagsigaw ko pero wala akong pakielam.
.
nandito na ko sa loob ng building, nilapitan ko yung dalawa kong bestfriend nanlaki mata nila nung makita na ganito suot ko.
.
bakit ganyan suot mo?? - di makapaniwalang tanong nila.
.
bakit anong masama? - sagot ko
.
anong masama!? hoy seirine samantha fabel nababaliw ka na ba? - karen
.
hindi ako baliw! ayoko lang maexpose legs ko at saka sobrang ikli kaya ng skirt nato. - ako
.
alam mo ate mapapahamak ka pa kapag nakita ka ng disciplinarian president na ganyan suot mo. - francheska
.
eh ano naman kung makita nya ko, eh di tatakbo na lang kapag hinabol nya ko. at kapag nahuli naman nya ko eh di hayahay ang buhay!!party party ganun lang yun saka wag kayong mag-alala sawa na sa mukha ko yun. eh halos ako lagi ang napapatawag dun kapag nasangkot ako sa gulo o di kaya naman nag-cuss ako at ginawa ko ang dirty finger. tingnan nyo pa yung handbook ko puro pirma ko at ng disciplinarian president , kailangan ko na nga atang bumili ng bagong handbook.
.
ewan sayo sam kailan ka kaya magbabago? - karen
.
alam mo besty ganyan talaga buhay dapat ka ng masanay!!. -ako
.
tss. ewan ko sayo - karen
BINABASA MO ANG
3 SECONDS
HumorNaniniwala ka ba sa kasabihang pwedeng maFALLINLOVE ang isang tao sa loob ng 3 segundo? Eh sa kachorbahang eklabush na DESTINY?! Naniniwala ba kayong may itinadhanang tao sa inyo si God? Eh pano kung yung pinakasusuklaman mong tao eh siya pa pala yu...