chapter 24 : korea

20 0 0
                                    

chapter 24 : korea

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sam POV

wooh!! di mawala yung nangyari kahapon sa isip ko. ano ba naman kasi yung ginawa ko. mali! maling-mali yung ginawa ko. pano kapag nabuo ito!? ah sam ang tanga-tanga mo talaga. ngayon naniniwala na ko sa kasabihang " nasa huli ang pagsisisi". ilang saglit ng aking pagmomoment may narinig akong usapan sa may bandang sala. ang lakas ng pandinig ko noh!?

.

palihim akong bumaba at nakinig sa pinag-uusapan nila mommy. grabe parang nabingi at nagunaw mundo ko ng marinig yung pinag-uusapan nila. sabi ni daddy na unti-unti nang nalulugi ang kompanya namin. at bankrupt na rin daw ang ilang accounts namin. gusto kong umiyak

.

bumaba ako ng tuluyan at niyakap silang dalawa. at dahil dun di ko na napigilang umiyak....

.

mom! dad! you said some of our accounts are bankrupt, is that true!? - tanong ko habang umiiyak.

.

yes baby! me and your daddy  needs to go back to korea tomorrow. - daddy

.

why is this happening to us!. - tanong ko sa kawalan.

.

inakap nalang nila ko. ngayon  alam ko na kung anong desisyon ko. uunahin ko na muna pamilya ko, bago sarili ko. pupuntahan ko na muna si alex para ipaalam sa kanya na kailangan kong sumama kila daddy dahil may emergency.

.

umakyat na ko sa kwarto ko para maghanda ng isusuot bago pumunta kila alex. nagpaalam ako kila mommy bago umalis.

.

nagda-drive ako ngayon papuntang mansion nila alex. nang napagpasyahan ko na magpa-alam kay karen at sa gang mates ko dahil siguradong matatagalan kami dun. kaya dumiretcho muna ko kila karen.

.

nandito kami ngayon sa sofa ni karen nag-uusap ng masinsinan.

.

best bakit naman biglaan ata! - sya. nabanggit ko kasi na aalis na ko papuntang korea bukas.

.

best! kailangan talaga eh. nasa malaking problema ngayon ang business namin. kailangan kong tulungan sila mommy. - ako

.

paano naman pag-aaral mo!? - sya

.

dun ko na lang siguro ipagpapatuloy.. - ako

.

best mamimiss kita. * sniff * - sya habang umiiyak.

.

wag kang umiyak jan. para namang di na ko babalik nyan.. mamimiss din kita, sobra. oh best kailangan ko ng umalis kakausapin ko pa ang gang at si alex. - ako

.

sige bestfriend! ingat ka!! hatid kita bukas  sa airport. - sya

.

ok! sige babay na. - ako

.

babay!!  - sya

.

umalis na ko. dumiretcho naman ako sa menauposal street kung saan ang hideout ng gang. pumasok ako sa loob. nagulat ako sa reaction nila. lahat sila umiiyak. mga baliw talaga.

.

master! totoo bang aalis ka na!? - tintin

.

master! paano na kami - kate

.

master! wala ng magdadala ng pagkain dito. huhu!! - sharra. kahit kailan talaga puro pagkain nasa isip.

.

master! pagdating mo dun hanap mo agad ako ng make-up ah!. - aicel. na alang ginawa kundi mag-make-up.

.

master! wala na kong makakalarong matindi sa karera. huhuhu!! - wendy

.

hay! pano na wi-fi ko! wala ng tagaload pag wala akong pera. - imeer. pigilan nyo ko. papaoperahan ko talaga yan sa tiyan para lagyan ng wi-fi. joke!!

.

master don't forget the books. - mariel.

.

master! pano ko! wala na kong mapaglalaruang lalaki. na pinapakilala nyo sakin. - jenna

.

master! tagay ka muna bago ka umalis!! - cristelle. na walang ginawa kundi uminom. salaksakin ko to ng bote na alak eh. joke ulit!!

.

sinasabi nila yan habang umiiyak. oh ano san pa kayo. edi sa dare devils na!. matapos ang madrama nilang speech umalis na ko dun. at ngayon naman haharapin ko na ang kinatatakutan ko. si alex! natatakot ako sa magiging rection nya. sana payagan nya ko. sana pagkatapos ng pag-uusap namin maging maayos pa rin kami. sumakay na ko sa kotse at nagdrive papuntang mansion nila alex.

.

~~~~~ LOPEZ MANSION ~~~~~

.

nandito na ko sa tapat ng gate nila. bilis ng tibok ng puso ko grabe. saka parang iba pakiramdam ko parang may mangyayaring di maganda. bahala na. pumasok na ko sa loob pansin ko lang lahat ata ng katulong parang di mapakali ng makita nila ko.

.

aakyat na sana ko papuntang kwarto ni alex ng makasalubong kong bigla si francheska. ewan ko ba ng makita nya biglang nanlaki mata nya at parang namutla. may di ba ko alam at lahat sila iba kinikilos. di ko nalang sila pinansin dumiretcho na ko sa loob kung saan ang kwarto ni alex.

.

nasa tapat ako ng kwarto ni alex ngayon ng may bigla akong madinig na isang ungol ng babae. nung una di ko pinansin pero ng umungol ulit ito. biglang nanginig ang mga kamay ko. unti-unti kong inilapit ang kamay ko sa door knob ng pinto.

.

hahawakan ko na sana kaso bigla kong inalis yung kamay ko. natatakot ako sa maari kong makita. pero di ko kailangang matakot. hinawakan ko ang door knob at inuwang ito ng konti. buti di nakalock.

.

unti-unti kong sinilip ang loob ng kwarto. parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko sa nakita ko. nakita ko lang naman si alex na nakahubad at ganun din ang kasama nyang babae. at ang mas masakit kasama nya  ang ex-girlfriend nya na si joey samarah torres.

.

walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang pinapanood sila. papanoorin ko muna sila bago ko umalis para may remembrance. joke!! syempre nung nakita ko yun. nagtatakbo na ako palabas ng mansion nila. umalis .a agad ako ayoko ng makita pa sya. walanghiya sila. nagawa nila kong lokohin. bukas na bukas din sasama na ko papuntang korea wala ng atrasan.

.

hinding hindi na ko magpapakita sa kanya. tama lang pala ang descision ko na piliin ang family ko.

.

Itutuloy…………………

.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

o hayan! alam nyo na kung ano desisyon ni sam. salamat sa patuloy na bumabasa. ^_^.

.

bebe_ally

3 SECONDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon