02-17-17
Tin Tiamzon
"An--" hindi ko pa natatapos ang buong pangalan mo nang magsalita ka.
"Wag ngayon Tin, pagod ako,"
Hindi ka naman ganyan noon.
Dati lahat ginagawa mo para mapasaya ako at para mawala ang lungkot ko.
Ngayon ako na ang gumagawa ng paraan para mapasaya ka lang.
"Drei, ayos lang yan. Ganyan naman talaga ang game diba? May nananalo, may natatalo. Ang mahalaga ay may natutunan tayo." sabi ko sayo habang pinapat ang likod mo para pagaanin ang pakiramdam mo.
"I wasn't enough," sabi mo naman habang tumutulo na ang mga luha sa mga mata mo.
Nagegets ko naman ang nararamdaman mo. Ganyan na ganyan rin ako ka down kapag feeling ko hindi ako nakakapag contribute sa team.
"Sabi mo naman sa akin dati diba? Wala na tayong magagawa para mabago yung nakaraan. What we have to do is to keep moving forward and bounce back." sabi ko uli sa 'yo.
"You did your best Drei, and sometimes that's enough." sabi ko kaya napangiti ka.
"Thanks,"
Dati lahat ginagawa mo para maging maayos tayo.
Ngayon hinahayaan mo nang matulog ako ng galit at masama ang loob sayo.
Mabilis kong hinanap ang phone ko nang marinig kong mag ring ito. Baka kasi ikaw na yung nagtext.
Ngunit unti unting nawala ang mga ngiti sa labi ko nang makitang hanggang ngayon ay wala parin akong natatanggap na text mula sayo.
"Wala pa rin ba?" tanong sa akin ni ate Ara at malungkot ako na umiling.
"Baka naman binibigyan ka lang niya ng time para lumamig muna ang ulo mo?" comfort ni ate Ara, "Wag kang mag-alala Tin, 'di ka matitiis nun." dagdag niya pa.
Napailing naman si May, "Hindi rin. Two days niya nang ginaganyan si Tin ate oh. Dati naman, hindi yun napapakali kapag hindi sila bati ni Tin."
"Kapag nag aaway nga sila dati, text pa yun nang text sa amin just to make sure na okay si Tin, pero ngayon wala talaga ate." dagdag pa ni CJ.
They have a point.
Hindi ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha ko kaya't sabay-sabay akong niyakap ng teammates ko.
Mabuti pa sila, hindi nagbabago.
Hindi ka naman ganyan noon.
Dati sabi mo hinding hindi mo ako sasaktan.
Pero ngayon ay ikaw na ang dahilan ng pag luha ko at parang wala lang yon sayo.
"Drei, bakit hindi mo sinabi sa akin na nag Happy T pala kayo kahapon? Ano yon, kung hindi nag text si kuya Josh kay ate Justine, hindi ko malalaman?" medyo pasigaw ko nang sabi sayo.
Chill ka lang na humarap sa akin, "Ang OA mo naman. Ano bang masama sa ginawa namin?"
Mas lalo namang kumirot ang puso ko dahil sa galit at sakit na nararamdaman 'ko.
