The 18 year old Ara

440 23 5
                                    

"Bells, tahan na," sabi sa akin ni Carol sabay bigay ng panibagong roll ng tissue. This is the 8th roll that I used today.

Si Camille naman ay nandito sa gilid ko habang nirurub yung back ko. "It's okay Ars."

"Uminom ka nga muna ng tubig," sabi naman ni Cienne sabay abot sa akin ng isang basong tubig.

"Bullies, bakit ganon?" sabi ko na hindi mapigilan ang snobs and sniffs ko. "Pangit ba 'ko?" at humihikbi pa 'ko na parang bata.

Hindi naman nagdalawang isip na sumagot kaagad si ate Kimy, "Hindi ka pangit bruh, mas maganda lang talaga yung katukayo mo-- Aray! Ano ba? Inaano ba kita?" napatigil siya nang paluin ko sa braso.

"Honest ka masyado!" sabi ko nalang sabay kuha uli ng tissue.

"Pero daks lagi mong tatandaan na hindi mo kawalan yun, okay? Wag mo nang iyakan yun." sabi ni Mika na umiiyak na rin.

"O e, bat ka umiiyak?" tanong naman ni Kimy kay Mika.

Pinunasan ni Mika yung luha niya, "Bakit ba? Eh sa naiiyak ako eh." sagot niya kaya inabutan ko nalang rin ng tissue.

"Ang lala niya talagang magpaasa!" with feelings ko pang sabi. "Sana kasi noon palang, sumuko na 'ko e." dagdag ko pa.

Una palang kasi alam ko nang talo ako e. Alam ko na na si Arra at si Arra parin yung pipiliin niya kahit anong gawin ko.

Sino ba naman ako diba? Isa lang naman akong volleyball player na trying hard na mapansin ng idol ko.

Isa lang naman akong probinsiyana na umasa at umaasa parin na mamahalin rin ako ng mahal ko.

Isa lang naman ako sa napakaraming fans ng loveteam namin, na umaasang magkakaroon nga ng kami.

Pero lahat ng mga pag-asa ko ay bigla nalang nawala. Imposible nga palang maging kami. Imposible nga pala talaga ang Thomara. At pinatunayan niya yun.

Sana kasi hindi ko na tinuloy. Sana hindi nalang ako nafall. Edi sana hindi ganito kasakit ngayon.

"Ang tanga-tanga ko kasi," dagdag ko pa.

"Kung alam ko lang kasi talaga na pafall lang pala yang si Torres edi sana hindi ko nalang pinush yung Thomara." naiinis na sabi ni Mika sabay padyak pa ng paa niya.

"Bells, hindi mo kasalanan okay?" sabi ni Camille. "E kahit sino naman kasi mapapaniwalang mahal na mahal ka rin niya. Kahit nga kami hulog na hulog dun eh." dagdag niya pa at nag agree naman yung iba pang bullies.

"Tama si Cams, Vic. Hindi ikaw yung tanga. Siya yung tanga, dahil pinakawalan ka niya." Carol seconded.

"At Vic, nandito naman kami for you. Kami, hinding-hindi ka iiwan." sabi ni Cienne at niyakap nila ako kaya mas lalo lang akong naiyak.

Sobrang thankful talaga ako dahil laging nandito yung bullies para sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sila.

"At Ara, hindi naman pwedeng dahil sinaktan ka niya ay mawawala na rin yung saysay ng buhay mo diba?" seryosong sabi ni Kimy. "Hindi pwedeng lagi ka nalang iiyak jan. Move on move on rin. Keep moving forward,"

Napapalakpak naman yung bullies sa sinabi ni Kimy. "May english yun ah!" asar pa ni Cienne kaya binatukan naman siya nito.

"Panira ka talaga," naiinis niyang sabi kay Cienne at tinawanan lang siya nito. "Pero Ara seryoso ah, pano ka naman makakamove on niyan kung magkukulong ka lang dito sa kwarto mo diba? Edi siya lang rin yung lagi mong maiisip niyan!"

May point si ate Kimy. Siguro mas mabilis akong makakamove on kung gagawin kong panibago yung daily routines ko, kung saan di ko siya maaalala.

"Wag kang mag-alala ate," panimula ko. "Makakamove on rin ako."

DLSU (SongFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon