Purely Fictional
***"And Tin Tiamzon for the Championship point!"
I did not fail to capture the winning moment and to celebrate the biggest point of the game.
Grabe, ang intense!
"We won, bro!" napayakap pa sakin si Kib while saying that and celebrating with the crowd.
Hinayaan muna namin yung fans ng Lady Spikers na magpapicture sa kanila bago kami makisali. Syempre, give chance to others diba?
May mga kasama naman akong tatlong VIP dito kaya walang problema ang pag pasok sa dugout mamaya.
"Uy Drei, picturan mo naman kaming tatlo. Backview." and speaking of the VIPs.
Tiningnan ko naman yung mga nakasulat sa likod nila.
Macandili. Saga. Cheng.
"Feel na feel niyo naman yang mga apilyedo sa likod niyo? Kala niyo naman kasi talaga--"
"Ay sige Drei, wag na. Wag ka na rin sumama samin sa dugout mamaya ha."
Hala, hindi pwede! Magpapapicture pa 'ko kay idol. Kib naman eh.
"Sabi ko nga pipicturan ko na kayo. Ang ganda niyo kaya tingnan oh. Ayan, ang ganda!"
Natawa naman yung tatlo. Talagang feel na feel nila ang pagiging VIP nila eh.
Nang magsimula na ang Lady Spikers na magsipuntahan sa dugout ay syempre sumunod na rin kami. Hehe.
"Uy Kib, sigurado ka bang pwede rin akong pumasok jan?" pabebe ko pang tanong.
"Oo, basta deskartehan mo lang."
At ayan nga't nauuna na yung tatlo na pumasok sa may pathway. Di manlang ako hinintay, mga loko talaga. Sobrang excited na makita mga girlfriend nila.
Edi sila na.
"Sir, bawal na po tayo dito." sita ng guard kay Raymark dahil siya yung nauunang pumasok.
"Boyfriend po ni CJ Saga."
"Ah, sige po. Sige po." ngumiti naman yung guard at pinayagan na siyang pumasok.
"Boyfriend po ni Des Cheng."
"Boyfriend po ni Dawn Macandili."
Napalunok naman ako nang mapatingin na rin sa akin yung guard at parang hinihintay kung anong sasabihin ko. Lagot.
Tiningnan ko si Kib at binigyan lang ako ng 'Kaya mo na yan' look.
Alanganin kong nginitian yung guard, "Hehe, ano po--" napakamot ako sa ulo ko. "Girlfriend ko po si ano-- yung magandang Lady Spiker. Yung chinita, tapos kapag nakita mo siyang nakangiti, mawawala lahat ng problema mo, tapos yung dimples niya bagay na bagay rin sa kanya. Mas lalo tuloy siyang gumaganda. Ang ganda rin ng boses nun, sobra. Tapos kapag pumapalo siya ng bola, ang astig niyang tingnan, pero syempre cute pa rin. Lalong lalo na yung Championship point niya kanina. Nakita mo ba yon? Imbes na bola yung tingnan ko, hindi ko mapigilang mapatitig nalang sa kanya eh. Siya lang yung mas gaganda pa sa Championship point niyang yon."
"Ah! Si Ma'am Tin po?" nakangiting sabi ni kuyang guard.
"Tin? Ha? Wala akong sinasabi ha. Ikaw nagsabi niyan." nakita kong pinanlakihan ako ng mata ni Kib kaya binawi ko kaagad yung sinabi ko. "Ay, opo. Si Tin. Hehe. Boyfriend po ako ni Tin Tiamzon."
Nagulat naman ako nang mapatingin si kuya guard sa likod ko at biglang nagsalita. "Uy, Ma'am Tin, sorry po di ko kaagad napapasok yung boyfriend niyo. Di ko po kasi alam."
Shet.
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at 'shet, ang ganda!' este 'lagot!'.
Napataas yung kilay ni Tin. "Boyfriend ko po?" tapos napatingin siya sakin. "Ah, opo. Boyfriend ko nga po."
"Ngayon ko lang nalamang may boyfriend na pala 'ko, huh." bulong ni Tin habang papunta na kami sa dugout pero natawa naman siya kaya naisip kong nagbibiro lang naman siguro siya.
Pero hays. Nakakahiya ka Drei!
Pagkarating na pagkarating sa dugout ay pumasok naman kaagad si Tin nang hindi pa ko nakakapag papicture. Nakakahiya na rin naman so hinayaan ko nalang.
Lalapitan ko nalang rin sana si Kib at Aljun pero busy rin sa mga girlfriend nila.
Ano ba naman to. OP naman ako dito.
Lalabas nalang sana ako pero paglingon ko ay mukha kaagad ni Mr. Ernesto Tiamzon ang bumungad sakin.
"Good afternoon po Sir." kinakabahan kong bati sa kanya dahil mukhang ang sama ng tingin niya sakin.
"So you're my Tin's boyfriend, huh? Follow me. Let's talk."
Hala.
"Naririnig ko kayo kanina while you two were talking with the security guard." dagdag niya pa.
Hindi ko na sinubukang umangal at sumunod nalang ako sa kanya kahit kinakabahan na ko at di ko na alam ang gagawin ko.
"You know ijo, Tin's my princess. She's my bunso and I did not let her study in DLSU to have a romantic relationship with someone."
I nodded my head. Naiintindihan ko naman siya simula palang nung una.
"Pero kung masaya naman siya sayo and as long as hindi ka nagiging bad influence sa kanya, sige, I'll give you my blessing."
Hindi ko alam kung bakit pero sobrang saya ko dahil sa narinig ko. I mean, hindi naman talaga totoo na kami ni Tin pero bakit parang mas masarap pang makatanggap nitong blessing ng daddy niya kesa ng Championship?
"Thank you po." sobrang saya ko pang sabi sa kanya. Feeling ko naman, girlfriend ko talaga si Tin.
"DADDY? What's happening? What did I miss?"
Sabay kaming napatingin kay Tin. Obviously tumakbo siya papunta rito.
Napatingin siya sakin. "Pagpasensiyahan mo na si dad. Hindi--"
"Don't worry anak. I did not do anything." medyo natatawa pang sabi ng daddy niya. "Ayos lang naman sa akin ang tungkol sa relationship niyo though medyo nagtatampo ako dahil hindi mo siya pinakilala ng maayos saakin."
"Dad, hindi--"
"But it's fine. Mukha namang matino to'ng batang to so it's fine with me." he then looked at me. "Basta ijo, ayaw ko lang na marinig na umiiyak tong prinsesa ko nang dahil sayo, okay?"
Mabilis akong tumango. "Opo sir."
"Okay sige. Iiwan ko muna kayong mag boyfriend dito. Sumunod kaayo kaagad ha."
Kunot noo si Tin as soon as umalis na yung daddy niya.
"I'm so sorry. Whatever dad said, let's just forget it. Medyo paranoid lang talaga yon at times." she told me while shaking his head. "Dad talaga."
I gave her a smile naman. "No, it's okay. You're dad's so nice."
She then gave me a 'Weh?' look. "All my friends are scared kaya sa kanya."
"Hindi naman. Mabait nga eh." sabi ko.
Nagkibit balikat nalang siya. "Sabi mo eh."
Napangiti nalang ako.
She's so cute.