"I'm sorry to say this Misis, but Ara may suffer memory loss dahil sa impact ng pagkakatama ng ulo niya dahil sa aksidente."
"She'll wake up anytime soon so I'll leave for now. Just call me if you need anything."
Tumango lang si tita Betchay sa sinabi ni Dra. Esperanza at halatang halata ang lungkot sa mga mata niya.
Niyakap siya nila Mika habang ako ay naiiyak na rin sa gilid ni Ara. Hindi ko kakayanin kapag hindi niya na ako naalala.
"Nakakainis naman kasi yang lecheng car accident na yan eh!" naiiyak na sabi ni Cienne habang tahimik lang ako dito sa gilid ng kama ni Ara.
Alam kong nagpaparinig siya sa akin dahil ako naman talaga ang may dahilan kung bakit nandito siya ngayon.
Kung hindi dahil sa akin ay hindi 'to mangyayari kay Ara.
"Shh. Walang may kasalanan Cienne." sabi naman ni Kimy.
"May sinabi ba kong kasalanan niya? Wala naman diba?" sabi pa uli ni Cienne pero tumigil na siya nang sawayin siya ni Camille.
"Ma, bibili lang ako ng pagkain natin. Balik ako kaagad." paalam ni kuya Djun bago lumabas.
"Mga anak, diba nay training pa kayo ngayon?" tanong ni tita Betchay sa kanila.
"Hindi po muna kami pupunta." sabi ni Carol.
"Nagpaalam na rin po kami kay coach at pumayag naman siya." sabi naman ni Kim.
Pagkatapos noon ay tahimik na uli ang kwarto. Naalala ko nanaman tuloy uli ang nangyari. Kung hindi kasi ako nag inarte at kung hindi ako nagselos ay hindi sana magmamadali si Ara na pumunta sa condo ko. Hindi sana siya maaaksidente.
"Guys," biglang sabi ni Mika.
"Ano yun?" tanong ni Camille.
"Nagtext kasi sa akin si Thomas." napahinto ako nang banggitin ni Mika ang pangalan niya, "Pwede raw ba siyang bumisita rito?" dagdag niya.
"Oh, bakit naman hindi?" tanong ni Cienne.
"Tita, ayos lang po ba?" tanong ni Mika kay tita Betchay.
"Oo naman. Tingin ko ay ikasasaya ni Ara kapag nagising siyang nandito rin si Thomas. Kung sakaling maalala niya pa ito." sagot naman ni tita Betchay.
Alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi ko mahihigitan si Thomas sa puso nila. Pero hindi ako susuko para sa sarili ko at para kay Ara. Para sa aming dalawa 'to.
"Ano ba, Kimy! Wag mo ngang kainin yan! Para kay Ara yan eh." saway ni Carol sabay palo sa kamay ni Kim.
"Sorry naman. Isang piraso lang naman eh." reklamo naman ni Kim.
"Kahit na. Ibalik mo yan, isa!" sabi pa ni Carol kaya't di na nakapalag si Kim.
Maya-maya ay may kumatok na, sigurado akong ang Green Archers na 'to. Napayuko nalang ako.
"Pasok kayo," aya ni Kim sa kanila.
Isa-isa silang nagpasukan at bumeso kay tita Betchay pati na sa bullies at nginitian lang nila 'ko.
"Ye, ayos ka lang?" tanong ni Jeron nang makaupo siya sa tabi ni Mika at tinap ang likod nito. Halata naman kasi sa mga mata niya na umiyak siya.
Si Kib naman ay lumapit sa kambal at kausap naman ni Almond sina Kim at Carol. Si Thomas ay lumapit kay Ara, nandito na siya sa tapat ko.
Ang sarap sanang harangin dahil ayokong nilalapitan niya si Ara pero wala akong magagawa. Wala akong karapatan na pigilan siya dahil kasalanan ko ang lahat ng 'to.
Hinaplos niya yung mukha ni Ara at inayos ang buhok nito, "I know you'll get better." bulong nito.
Sabay naman noon ang biglang pag galaw ni Ara. Lahat ng atensyon ay nasa kanya habang binubuksan niya ang mga mata niya.
"Tumawag kayo ng Doctor!" utos ni tita Betchay at agad namang tumawag ng doctor sina Jeron.
Lumapit rin sa kama ni Ara sina Mika at si Thomas naman ay nanatili pa rin dito sa harapan.
Si Thomas ang pinakauna niyang nakita nang idilat niya ang mga mata niya.
"Ars," tawag ni Thomas at nginitian naman siya ni Ara. Nakakaalala siya?
"Excuse me," sabi ng doctor sa amin nang makarating siya at ichineck si Ara.
"Hello, can you hear me?" tanong niya kay Ara at tumango naman si Ara, "Can you see me clearly?" tumango uli si Ara kaya ngumiti naman si Dra. Esperanza.
"You may feel dizzy right now pero mawawala na rin yan soon. Now tell me, may naaalala ka ba? What's your name?" sunod sunod na sabi ng doctor.
Matagal nakasagot si Ara kaya't kinabahan ako, "Victonara." sagot niya na ikinatuwa ng lahat. Yes! Nakakaalala siya! Wala siyang amnesia.
"Do you remember anything? How far is your memory, Victonara? Please tell me." sabi ng doctor.
"Childhood memories. High school memories. DLSU. Volleyball. Wala akong ibang matandaan. Ano pong nangyari?" she said while shaking her head.
Nag nod si Doc, "So Ara, I'll tell you everything ha? You had a car accident 3 days ago. Your head was hit badly and you're now suffering retrograde amnesia. Kadalasan sa latter memories mo ay hindi mo naaalala ngayon. But as you can see nandito naman ang friends mo and they're ready to let you remember everything." nakangiti niyang sabi kay Ara and then turned to tita Betchay.
"Misis, she'll recover real soon." sabi niya and then she excused herself.
"Anak," hinaplos ni tita ang buhok ni Ara at hinalikan ang noo niya.
"Ma," nakangiti namang sabi ni Ara. "Ilang taon na po ako, ma?" bakit ganon? Parang sobrang kalmado siya?
"Magtetwenty two ka na sa January anak. December na ngayon." sagot naman ni tita at nagnod lang si Ara.
"The last time I can remember, 18 years old palang ako." kalmado niya parin sabi. Hay, the very calm Ara Galang. Hindi siya nagbago.
"Can I see my face?" request ni Ara kaya't kinuha ni Almond ang medium sized na salamin sa gilid at itinapat ito kay Ara.
Nagulat naman si Ara nang makita ang reflection niya sa salamin, "Anong nangyari sa buhok ko, ma?" tanong niya at hinawakan pa ito.
Nagkatinginan naman kaming lahat. Anong ibig niyang sabihin?
"Ginupitan ba 'to ng doctor nang operahan ako?" tanong niya. Bakit hindi mo matandaan Ara? Shet. Kinabahan ako bigla.
"Daks, ano ka ba. Hindi mo ba maalala? Sabay pa nga tayong nagpagupit diba? Eh ako, naaalala mo ba 'ko?" halatang kabado na tanong ni Mika.
"Lul ka talaga Ye. Syempre naman naaalala kita." natatawa pang sagot ni Ara. "Complete attendance kayo bullies ah, dinamay niyo pa Archers." sabi niya pa at tumawa uli.
Masaya silang lahat dahil naaalala sila ni Ara at tiningnan naman nila ako para siguraduhin kung naaalala rin ba niya ako. Pero bakit naman hindi diba?
Napatingin naman sa akin si Thomas, "Eh siya Ars, naaalala mo ba siya? I'm sure miss na miss ka na niya." sabi niya at sinubikan niyang ngumiti.
Tumingin naman si Ara sa akin at nginitian rin ako, ngumiti rin ako pabalik.
"Bang Pineda?"
"Bakit siya nandito, Thom?"
Shet. Unti-unting bumubos ang mga luha ko dahil sa narinig ko.
Ito ang pinaka kinatatakutan ko. Ang makalimutan ako ni Ara. Ang makalimutan niya na mahal niya ako. Na nagmamahal siya ng isang katulad ko na kapwa niya babae.
Hindi pwede 'to.
***
A/N: Minsan rin iniisip ko na sana magka amnesia nalang si victonara e para makalimutan niyang in love siya sa gaya ni tita nitz hahahalol labyu narra!💋