Thief (Part iii)

421 20 2
                                    

2 years later~
...

Someone's POV

"Nandito ka lang pala," saglit akong napahinto nang marinig ko ang boses na yun.

Nakakatakot yung boses niya. Yung boses na halatang may masamang binabalak.

Binilisan ko na ang paglalakad ko pero mas mabilis siya. Dahil ilang saglit palang ay naramdaman ko na ang braso niya na nasa leeg ko.

Oh shit! Bigla akong kinabahan.

"Wala ka nang takas ngayon." mahina niyang sabi habang hinahaplos pa ang mukha ko.

Mahina. Pero saktong-sakto lang para marinig ko.

I struggled to pull myself off of him pero masyado siyang malakas.

Natataranta na ko. Hindi ko na malaman kung anong dapat kong gawin.

Hanggang naramdaman ko nalang na unti-unti nang tumutulo ang mga luha ko.

Ngunit nagulat nalang ako nang may narinig akong malakas na suntok at pagkabagsak na tunog.

Saglit kaming nagkatitigan ng lalaking nagligtas sa akin. Hindi ko alam na may ganito pala.

"Miss, ayos ka lang?" tanong niya sa akin.

Gulat parin ako kaya't hindi ako agad na nakasagot sa tanong niya at tinitigan ko muna siya ng matagal.

"Miss?"

Dahan-dahan naman akong tumango. "A-Ayos lang."

This time ay tiningnan niya naman yung kanina pang sumusunod sa akin, na ngayon ay nasa sahig na. "Police ako." matapang niyang sabi. "Sumama ka sakin sa prisinto."

...

PO2 Thomas Torres

Napapailing nalang ako dahil sa mga nangyayari sa mundo ngayon. Bakit kaya patuloy na dumadami ang masasamang loob?

Tsaka bakit kaya tuwing day off ko ay may naeencounter ako na ganito? Tsk.

Mabuti nalang, the girl was fine daw at mabuti ay nakita ko sila kaagad.

"WHAT WAS THAT?"

Nagulat ako nang may narinig akong sumigaw kaya mabilis akong napalingon sa gilid.

Nakakunot yung noo niya habang nakatingin sa akin. Lahat ng mga kasama niya ay gulat na gulat ring nakatingin sa akin.

Shit. Ano to?

"Arra, magretouch muna kayo dito. Mamaya nalang natin ulitin yung scene na yon."

Napatingin naman ako sa girl kanina at tinutulungan niya na makatayo yung sinuntok kong guy kanina.

"At ikaw naman mister," nakapamewang siya na lumapit sa akin. "Sino ka, aber? At bakit bigla-bigla ka nalang pumapasok sa eksena?"

Hindi ako nakasagot kaagad kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Kung gusto mong mag-audition, dun ka sa likod, hindi yung bigla-bigla ka nalang makikigulo sa eksena. Sinisira mo eh!"

Nagnod nalang ako para matapos na ang usapan. Gusto ko nang umalis dito. Nakakahiya yung ginawa ko.

"Pero direk, pogi to ah! Pwede tong gawing leading man ni Ariana." biglang singit nung isang babae.

"Oo nga e. Naisip ko rin yan." sabi naman nung direk kaya alanganin akong ngumiti habang umiiling-iling.

DLSU (SongFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon