Author's Note: As promised, bibigyan kong hustisya 'to ate Elysse hahahalolz. This is dedicated to you turtleballoons thank yoü for inspiring me everyday. :)
***
Jollo Go @Jollogologologo
Ok, game! #AskJollo 🤗goldenxsnitch: @Jollogologologo posible ba na mainlove ka sa isang fan? #AskJollo
Jollogologologo: @goldenxsnitch hmm🤔 Yes.😊 #AskJollo
Jollo's POV
"Huy, stalk ka nanaman jan!" gulat sa akin ni Jeron. Gago talaga 'to.
"Wag ka ngang makielam." epal kasi e. Kitang busy ako dito.
"OA naman," he fired back. "Eh sino nanaman ba yan?" tanong niya habang tsismosong sumisilip sa phone ko.
Pilit ko naman itong nilalayo mula sa kanya. Naknang, pakachismoso talaga ng pucha.
"Uy, uy, bat si Mika yung profile picture niyan? Si Mika ba yan? Uy, bro naman," natawa naman ako sa reaction niya. Mukhang iiyak na e, binatukan ko nga.
"Di to si Mika noh, gago." natatawa kong sabi sa kanya. "Fan niya, kaya siya yung DP."
Nag nod namana siya. "Patingin nga." ilalayo ko pa sana uli yung phone pero nakuha niya na. Hay nako.
"Turtle balloons? Sino nanaman to? E akala ko ba, si Elysse yung sayo? Ayiieee Elysse," at kiniliti pa 'ko ng gago. Nababakla na yata e.
"Tumahimik ka nga." masungit kong sabi pero pucha! Bakit parang kinikilig naman ako?
"Asus, ikaw ah. Pahard to get ka pa kasi, di ka nalang umamin kay Elysse para happy na tayong lahat." pailing-iling niya pang sabi at umalis na.
Naisip ko rin naman na umamin na kay Elysse tungkol sa totoo kong nararamdaman para sa kanya pero naghahanap pa ako ng right timing. Ayoko kasing isipin niya na nagtatake advantage ako.
Inistalk ko si Elysse sa fan account niya at halos one week na nga siyang inactive. Ano kayang nangyari?
Nakakamiss rin kasi yung everyday greetings niya e. Imbis na ma-annoy ay tuwang-tuwa ako everytime nag sesend siya sa akin ng direct message dito sa twitter.
turtlexballoons
@babyteethnimika FOLLOWS YOU📌Pinned tweet
turtlexballoons @babyteethnimika
ALWAYS YOUR FAN, NEVER YOUR GIRL.turtlexballoons @babyteethnimika
@goldenxsnitch thanks hihi!turtlexballoons @babyteethnimika
Ang hot nung Victonara Salas Galang huhu pic.//twitter818.comturtlexballoons @babyteethnimika
Bakit ang init ngayon sa pilipinas?! Huhu Jose, panagutan mo to!😭🔥Bakit ganito yung tweets niya? Bigla tuloy akong kinabahan. May problema ba?
Chineck ko na rin yung isa niya pang account dito sa twitter hoping na may tweet siya ngayong araw so I can make sure na ayos lang siya.
elysse 🏹
@chrissannel FOLLOWS YOUelysse 🏹 @chrissannel
Hanggang dito nalang ako. :))elysse 🏹 @chrissannel
Sana masaya ka.