Kimberly

469 15 10
                                    

Kim Fajardo

"Guys, una na ko ah. Uuwi pa kasi ako." pag papaalam sa amin ni Almond pagkatayo niya.

"Ha? Eh kararating mo lang kuya ah?" tanong naman ni Mika.

"Kailangan kasi ako sa bahay Ye eh." sagot niya naman.

"Asuss, if I know, kailangan ka ni KIMBERLY sa bahay!" pang aasar naman ni Jeron.

"Yan tayo e." dagdag pa ni Thomas.

Kimberly? Sino si Kimberly?

Natawa si Almond, "Loko ka talaga. Oh sige na, mauna na ko guys ah? Ingat kayo." pagpapaalam niya sabay alis na.

"Sino si Kimberly?" sabay na tanong nina Ara at Mika. Nagmamadali kasing umalis si Almond kanina kaya di na nila na hot seat.

"Girlfriend niya ba?" dagdag pa ni Ara.

Nabilaukan naman ako nang wala sa oras. What the heck! Sa dinami dami ng babae at pangalan sa mundo bakit Kimberly pa ipapalit niya sakin? Jusko!

Nakalimutan niya ba na yun yung plano namin dati(nung kami pa) na ipangalan sa magiging future anak namin?

Nagkatinginan naman si Jeron at Thomas at nagngitian pa yung dalawang mokong.

"Let's just say na si Kimberly ang nagpapasaya kay kuya Almond ngayon." sabi ni Jeron.

"And Kimberly is so special for him." dagdag pa ni Thomas.

Oh, edi sila na!

"Oy Kimy, wag ka ngang magselos." sabi sa akin ni Ara kaya nagulat naman ako.

Tinaasan ko siya ng right kong kilay. Bakit ba? Di ako marunong sa left eh. "Sinong nagsabing nagseselos ako?"

"Kung di ka nagseselos, eh bakit minumurder mo yang tissue?" tanong naman ni Mika at napatingin ako sa hawak kong tissue.

Shet. Anong ginawa ko?

Napatingin uli ako sa apat at pinagtatawanan na ako ng mga loko.

"Paki niyo ba? Eh naiinis ako sa kulay ng tissue eh!" sagot ko nalang kaya mas tinawanan pa nila 'ko. Mga epal talaga! Nag aano lang ako dito e!

"Ayos lang yan bruh. Dama kita, ganyan rin ako kapag nagseselos." sabi pa ni Mika.

"Anoba Ye. Past is past. Move on na." pabebe ko namang sagot.

"Basta, manood kayo sa March 4 ha." pagchange ko nalang ng topic.

You know. This March 4 na, Ateneo vs La Salle. Support niyo kami ha🙏

"Ay syempre, G kami jan!" sagot ni Thomas.

"Nako kahit wag ka na Thom. Natatalo kasi kami lagi kapag nanonood ka eh." sabi ko naman kaya binatukan ako ni Ara.

"If I know kasi, si Almond lang sapat na." bwiset tong Jeron na toh! Ginatungan nanaman ako! Binatukan ko nga. "Aray naman. Ye oh," at nagsumbong pa.

DLSU (SongFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon