ADMU vs DLSU

498 27 8
                                    

A/N: Imagination mo ang limit.

***

03-14-17

Victonara Salas Galang

"Ay sikat masyado tong Ara Galang," biglang sabi ni ate Aby dito sa tabi ko nang marinig namin ang hiyawan ng crowd.

Napatingin naman ako sa big screen finding out na kami pala yung pinapakita kaya nag wave naman ako at nag mouth ng 'Animo, La Salle!'

Nagsastart na ang game at kanya kanyang cheer na ang crowd at nakikisabay naman kami nina ate Aby at ate Mowky sa cheer ng Animo squad.

Todo ang focus ko sa game at feeling ko part parin ako ng team. Gustong gusto ko na ngang pumasok sa court at maglaro eh. Haynako, kung pwede lang. Nakakainggit rin minsan si ate Kimy eh dahil may playing year pa siya.

"Uhm, excuse me ate Aruh," napalingon naman ako nang may tuwagag sa akin. 'Aruh' daw ah. Say what?

"Uh, hello," familiar yung face niya pero di ko matandaan kung sino siya.

"I'm Bea Escudero po, courtside reporter mg DLSU," she introduced herself and offered her hands.

Napa 'Ahh' naman ako and nakipag shake hands sa kanya.

"Can I interview you po?" medyo nahihiya niya pang tanong.

Since hindi naman ako pabebe ay pumayag na 'ko. Hohoho umupo siya sa tabi ko at inihanda niya na yung sarili niya.

"25 seconds and then on air na po tayo," she reminded me and nag nod lang ako.

Maya-maya pa ay sa amin na nga nakafocus yung camera kaya't nag umpisa na siyang magsalita.

"Hi Boom and Mozzy, so I'm here right now with the queen archer herself, Aruh Guhlung." ayy bakit ganon yung Ara Galang niya? San nanggaling yon?

Nagwave nalang ako at nagsmile sa camera.

"So Ara, this is your first time to come here in MOA Arena for UAAP volleyball DLSU vs ADMU as an audience, what can you say about that?" she asked me not breaking her smile.

Nag smile muna ako before answering, "Uhm, syempre nakakapanibago. It's okay because finally na fefeel ko na rin yung pressure ng crowd, but not okay dahil hindi na 'ko pwedeng makatulong sa team."

"Alright," she stated. Grabe, ang galing niyang mag smile sa harapan ng camera. Ako kasi, nangangalay na yung panga ko eh. "Sino naman sa tingin mo sa natitirang team ang magiging next Ara Galang?"

Napaisip naman ako sa tanong niya. "Uhm, tingin ko naman gagawa sila ng sarili nilang mga pangalan this season. They will not be Ara Galang 2.0 but they will make their own name." I answered smiling.

Nag nod naman siya. "So Ara, since maraming nagrerequest nito ay tatanuningin ko na rin sayo." ano naman kaya yun? "Since kakapanalo lang rin ng Green Archers this season, can you tell us sino yung pinakaclose mo sa kanila and sino yung idol mo?"

Napa smile naman ako sa tanong niya. Hah! May binabalak ako. "Ay, oo nga pala. Congrats Green Archers!" pagcongratulate ko muna sa kanila before answering her question.

"Uhm, yung idol ko ay syempre si Jeron Teng, diba?" mabilis kong sagot at nagnod naman siya, "Pero yung pinaka close ko talaga ay si Thomas Torres."

DLSU (SongFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon