Happy Pill

385 14 3
                                    

Someone's POV

"Bes bilisan mo, ayun na si Jollo oh." sabi sakin ng kaibigan ko sabay tulak pa.

"Oo na. Wait lang,"

Hayst. Kung di kasi dahil sa dare na yan, di to mangyayari eh.

Nag truth or dare lang naman kasi kami ng mga kaibigan ko at yang magaling kong kaibigan na si Monica ay dinare ba naman ako ng 'video greeting from Jollo Go' daw. Edi wow niya naman, ha!

Pabebe akong lumapit kay Jollo at mabilis niya naman akong napansin. And shet! Ngumiti siya, shet!

"Hi kuya Jollo," medyo nahihiya kong bati habang nakayuko.

"Hello," sagot niya naman habang nakangiti parin. Tang na pineapple ka nga naman talaga Jollo Go oh! Bat ba ang pogi mo? Kaya pala patay na patay sayo si Monica.

"Pwede pong magpavideo greeting?" pabebe ko paring tanong.

Nagningning naman yung mga mata niya dahil sa narinig niya. "Alam ko yan," sabi niya at nagchuckle pa. "Si Elysse noh? Sige game!"

Napanganga naman ako sa sagot niya. Ano daw? Anong pinagsasasabi nito? Sinong Elysse? Eh si Monica yung nagpapavideo greeting!

"Hi Elysse! Ayos lang ba smile ko?" tanong niya pa sakin habang nagrerehearse ng sasabihin niya para sa video greeting niya.

Nagnod naman ako. E ayos lang naman talaga yung smile niya! Di naman siya nagtanong kung sino yung igigreet niya sa video, bigla-bigla nalang nag hahi Elysse daw eh.

Nagpatuloy lang siya sa pagpapractice habang kinukuha ko na yung phone ko.

"Hi Elysse! Congratulations, graduate ka na! Pero sana hindi ka mag graduate sa pagsuporta sakin-- ay parang pangit. Sa pag suporta sa green archers-- ay ayoko. Ano ba maganda? Hi Elysse! Hangout tayo soon."

Hindi ko na maintindihan yung iba niya pang sinasabi. Yung naririnig ko nalang kasi ay puro Elysse, Elysse, Elysse. Huhu sino si Elysse?

"Game?" natauhan ako nang magtanong siya. At mukhang masayang-masaya pa siya ah!

"Ha? Ano kasi--"

"Ano yun? Gusto ba ni Elysse ng mahaba na greeting? Ayos lang naman. Di naman ako busy." excited niyang sabi.

"Eh kasi, di naman si Elysse yung nagpapa video greeting sayo." lakas loob kong sabi kahit medyo nakakahiya dahil feeling ko ay nasira ko yung momentum niya.

Lumungkot naman yung mukha niya. Hindi lang pala mukha, pati yung mga mata niya. "Hindi si Elysse?" tanong niya na parang bata na hindi binigay sa kanya ng mga magulang niya yung gusto niya.

At parang naiiyak pa siya ah!

Mas nacurious tuloy ako kung sino yang si Elysse at bakit parang siya ang happy pill ni Jollo.

...

A/N: Hahahahaha ang lame pero bakit ba, Kinikilig ako e hahahalol.💕

Hi ate Elysse! turtleballoons 😁😁 #JolysseForTheWin

DLSU (SongFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon