02-15-17
Expectation
"Jan ka na muna daughterF ha at may kukunin muna ako sa kotse ko." paalam sa akin ni motherF kaya nag hintay nalang muna ako sa kanya sa entrance ng S.J. Arena.
Marami-rami na ring pumapasok sa Arena at halo-halong fans ng UE, UST, UP, at syempre La Salle.
Napalingon ako sa bandang parking lot ng may nakita akong Archer not so far away from me.
I glared at him when he finally saw me kaya't napahinto siya. He's with Andrei at pasimple ko siyang kinunotan ng noo habang naka pamewang pa 'ko.
Anong ginagawa niya dito? Nag usap na kami na bawal siyang manood kapag manonood ako diba?
Magkasama palang nga kami kahapon dahil sa Valentine's date namin tapos miss niya na 'ko kaagad?!
Nakita ko naman siyang nag pout at pinagdikit pa yung dalawa niyang palad sabay 'please' look.
Haynako, so how can I resist that? Jusko naman Torres, nabibwiset ako sa kacutan mo!
"Ano pa nga ba!" sabi ko naman and I'm sure narinig niya yon. Nandito na siya e, alangan namang pauwiin ko pa, diba?!
"Sinong kausap mo, daughterF?" nagulat naman ako nang makita ko na si ate Aby kasama si ate Cha.
"Ah, wala ate. Hehe, tara na." sabi ko kaya't sabay-sabay na kaming pumasok sa Arena.
Kinuha ko muna yung phone ko para itinext si Torres, pero may nakita akomg text galing kay Andrei.
Andrei Caracut
Sorry po ate Ara, ako talaga yung pumilit kay Thomas para manood kami Hehe
Si Tin kasi ate e, baka mag tampo nanaman. Hehe
Ok na, ikaw talaga.
Thanks ate! The best ka talaga!
Tinext ko na rin si Thomas,
Classmate 3 (Physics)
188 meters away!
Yes, boss! 😊
Love you.😊
Hindi ko na siya nireplyan after at naghanap na kami ng uupuan. Nakita namin yung dating teammate nila ate Cha at sino namang di nakakakilala kay Manilla Santos? Kaya't doon na kami naupo sa tabi niya.
"Susunod daw si Cams," sabi ni ate Cha kaya't natuwa naman ako.
"May kasama ba siya ate?" tanong ko.
"Nope. Nag out of town si Anton." hayy salamat. Hahahajk
"Hiiiiii," dumating na si Cams nang may malaking ngiti at isa-isa niya kaming niyakap.
Nang makaupo na siya sa tabi ko ay binulungan niya 'ko, "May nakita ako."
Nag roll lang ako ng eyes ko.