still! a! kibmille! no! matter! what!
Natouch ako sa tweet na to ni @taftgirls kaya naisipan kong gawin tong story na to. :)) Hayy, #kibmille💚. #DLSUSFrains
...
Kib's POV
"HULI KA!" patawa-tawang sigaw sa akin ni Aljun nang makita niya 'ko dito sa SB.
Poker face ko siyang tiningnan at nagpatuloy sa pag inom ng coffee ko. "Gulat na gulat ako. Grabe." sarcastic kong sabi.
Mahina niya naman akong tinulak sa braso. "Grabe ka naman papi! Bat mo ko ginaganyan?" at nagpout pa.
"Ano ba kasi kailangan mo?" masungit ko parin na tanong.
It's raining right now and it's always the time when I wanted to be alone and contemplate about things.
As they all see, I love rains and I love the feel it gives me. It's very calming and peaceful.
"Ay oo nga pala!" sabi niya at napapalak-pak pa. "Papi! Nakita namin ni Andrei yung ano, yung nilolove team sayo dati. Sino nga ba yon?"
Napahinto naman ako sa ginagawa ko at napatingin kay Aljun ng saglit.
Si Cams.
Just the thought of her makes my heart flutter.
"Camille Cruz ba yon?" tanong niya pa uli. "Oo, yun nga! Camille ba yon, o Cienne? Camille ba?"
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang ako in watching the rain fall kaya nagpatuloy lang rin siya sa pagsasalita.
"Joke lang. Alam ko talagang si ate Camille yun, inaasar lang kita." natatawa niya pang sabi. "Bakit nga ba kayo shiniship nun? Ano bang meron sa inyo dati?"
Napatigil naman ako dahil sa tanong ni Aljun.
Ano nga bang meron kami ni Cams?
Ano nga ba yung meron kami noon at bakit hanggang ngayon, she stills gives me that strong impact not only in my stomach but also in my heart?
...
"Basta Kib pahiram muna ng kotse mo ah! Eto oh, payong! Umuulan pa naman, baka sisihin mo pa 'ko kapag nagkasakit ka eh." natatawang sabi sa akin ni Thomas bago tumawid ng catwalk.
Tinulak ko naman siya. "Oo na, sige na. Alis na, at baka magbago pa yung isip ko!" biro ko naman kaya tumakbo na siya papuntang parking.
Itinabi ko nalang yung binigay niyang payong dahil malamang ay di ko naman to magagamit. Hindi naman ako yung mapayong na tao. Mas gugustuhin ko na tumakbo nalang at lusubin yung ulan.
Papunta na sana akong gate 2 dahil dun naman yung daan papuntang GA dorm nang may makita akong pamilyar na mukha.
Nirurub niya yung dalawa niyang kamay maybe to keep herself warm at parang hinihintay niya na tumila yung ulan para makauwi na siya.
Nilapitan ko naman siya and I gently offered the umbrella to her.
Dahan-dahang niyang inangat yung mukha niya para makita niya ako, tapos tiningnan niya uli yung payong.