Nagmahal, Nasaktan, Nagsayaw (Part ii)

321 26 9
                                    

Thomas Torres

"Haynako Jeron, kung bakit ba kasi sumama pa kami dito sayo eh." reklamo ni Almond habang naghihikab pa.

"Kanina pa tayong madaling araw dito eh tapos hanggang ngayon, hindi ka naman parin natatawag." dagdag pa ni Kib.

"Chill na kasi kayo mga bro. Nagpromise naman ako na manlilibre ako after this diba?" sabi ni Jeron with pataas-baba pa ng kilay kaya wala na kaming nagawa kundi mag agree nalang.

Nandito kasi kami ngayon sa ABS-CBN company dahil mag aaudition daw si Jeron as third wheel sa loveteam ng LizQuen. Oh, taas ng pangarap diba?

Pangarap kasi talaga nito noon pa na maging sikat na artista kaya bilang mga kaibigan niya ay kailangan daw namin siyang bigyan ng moral support. Daming alam diba?

Kaya eto kami ngayon at naghihintay paring matawag ang number sa dibdib niya na 21330.

"You know guys, it's better siguro kung mag libot-libot muna tayo sa ibang studios. Ang boring na kasi dito e." suggest ko at nag nod naman yung iba.

"Oo nga. Jeron, iwanan ka nalang namin dito." sabi rin ni Gabby.

"Good idea." dagdag pa ni AVO and we're good to go.

"Wait, guys! Sama nalang ako, mamaya pa naman din siguro ako tatawagin." sabi naman ni Jeron.

"Sure ka?" halos sabay-sabay naming tanong.

"Oo. Nabobored na rin kasi ako dito eh." sagot niya naman at sumama na nga sa amin. Baka daw kasi may makita kaming artista at nang makapag papicture siya.

We went to different studios until I found a door which caught my attention.

It's Showtime

Nagmahal, Nasaktan, Nagsayaw
AUDITION HERE!

Woah. That segment is just so weird. Sino naman kaya ang may mga guts na sumali jan? Tss. Kalokohan.

"Uy, si Tommy oh, parang may balak mag audition!" sigaw ni Kib kaya kinunotan ko naman siya ng noo.

"Asa," sagot ko naman and natawa lang sila.

"Okay guys, let's have a deal." ayan nanaman yan si Jeron sa mga pakana niya.

Natawa naman si AVO, "Okay, what now Teng?" game na game niya pang tanong.

"Isa sa atin ang mag aaudtion jan." Jeron said while smiling widely.

"What? No way!" agad ko namang pagreact.

Natawa naman sila because of my reaction, "OA naman nito ni Tommy. Hindi naman sure na ikaw talaga yung sasali eh." Kib told me kaya wala na akong nagawa kundi mag agree nalang sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko.

"So here it goes," panimula ni Jeron, "Kung sino sa atin ang pinakaunang makita ang ex natin, siya yung sasali."

"Game!" excited na sagot ni Kib dahil alam naman naming lahat na nasa Texas si Ina right now.

"Tss. No challenge, bro. Wala rin dito exes ko." nakashrug pang sabi ni AVO.

"Eh hindi ko nga matandaan kung sino yung mga ex ko eh." sabi naman ni Gabby kaya nakatanggap siya ng limang batok.

DLSU (SongFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon