Trust

355 19 3
                                    

Relationships need love, trust, and loyalty.
...

Camille Cruz

"Wow kambal, ang blooming natin ngayon ah." pansin sa akin ni Cienne nang pag pasok na pag pasok niya dito sa kwarto namin.

Pabebe ko namang nilagay sa likod ng tenga ko yung ibang strands ng hair ko. "Ha? Halata ba?"

Natawa naman si Cienne sa akin at binatukan ako. "Baliw ka talaga."

"Aray naman kambal, grabe ka." kung makabatok naman kasi e, kala mo spiker at hindi libero.

Naupo na si Cienne sa tabi ko at nginitian ako. "Nangangamoy anniversary kasi eh." sabi niya kaya mas lalo naman akong napangiti.

"Grabe nga kambal eh, hindi ko talaga inexpect na pagtiyatiyagaan ako ni Kib ng ganito katagal." sabi ko sa kanya, "He's the bestest thing that ever happened to me." feel na feel ko pang sabi.

Ngumiti rin si Cienne. "I'm so glad kambal na nahanap mo na talaga yung taong mamahalin mo at mamahalin ka ng sobra-sobra habambuhay."

Hindi pa ako uli nakakasagot nang marinig ko na nagring yung phone ko.

Des Cheng calling...

Aba, ang tagal ring di nagparamdam nitong baklang to ah. Namiss ako nito for sure.

Nag-excuse muna ako kay Cienne para sagutin yung tawag ni Des.

"Sino yan?" tanong ni Cienne.

"Si Des." napansin kong medyo nanlaki yung mga mata niya dahil sa sagot ko bago siya tumango.

"Hello Des?" hyper kong bati sa kanya.

"Achi," mahina niyang tawag sa akin. Teka, may problema ba siya?

"Oh Des? Bakit? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" sunod-sunod kong tanong. Nag-aalala na rin ako dahil parang umiiyak siya.

"Achi Cams, I'm sorry," humihikbi niyang sabi. "Achi, hindi na kasi kaya ng konsensya ko kaya I think it's time for you to find out."

Naguluhan ako sa sinabi ni Des. Anong sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.

"Des, kalma okay? Ano bang nangyayari?" mahinahon kong sabi para naman kumalma siya.

"Achi--" hindi niya matuloy-tuloy yung sinasabi niya dahil sa paghikbi niya.

"Des, gusto mo ba na puntahan kita jan? Ano ba kasing nangyayari?"

"Achi," narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Ako at si Kib,"

Hindi niya pa natatapos yung sinasabi niya pero bigla akong kinabahan. Nanlamig ako at feeling ko nanlambot yung buo kong katawan.

"--we have an affair."

At dun na automatic na tumulo yung mga luha ko. Pilit ko tong pinigilan pero hindi ko magawa.

Tumawa naman ako ng pilit. "Ikaw talaga Des. Hindi magandang biro ah." sabi ko hoping na she'll laugh after this and tell me na naglalaro nanaman sila ng truth or dare at dare lang to sa kanya.

DLSU (SongFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon