7 Things

490 18 0
                                    

7 Things by Miley Cyrus

♬ I probably shouldn't say this

But at times I get so scared

When I think about the previous

Relationship we've shared♬


"Joy, si Rex na pala at Therese Gaston?" nagulat ako nang tanungin yan ni Kianna. Bakit di ko yun alam?

Oh well, hindi nga naman pala nakakagulat na wala na akong alam tungkol sa kanya ngayon. Ni wala nga siyang kahit konting time at effort para magkausap kami eh. Sino ba naman ako para pag-effortan niya, diba?

"Huy," tawag uli ni Kianna sa atensyon ko.

"Ha? Uhm, siguro. Di ko rin alam." sagot ko lang sabay shrug.

"Ganun? Sige, gonna ask Marck nalang," nagpatuloy siya sa pagscroll sa phone niya at nagsalita pa uli, "Wala na kayong communication or what?" curious niyang tanong sa akin.

"Wala. Busy yon sa buhay niya," bitter kong pagkasabi, "At lovelife." dagdag ko pa.

"Wow naman si Rex ha!" natatawa niyang sabi, "Daig pa ang boyfriend kung makapagtampo sayo kung nawawalan ka ng time sa kanya before, and now di manlang nagpaparamdam."

"Well, things changed." sabi ko. Nakakawalang gana kasi kapag siya yung pinag-uusapan.

Dati, siya yung nagpapasaya sa akin kapag malungkot yung araw ko. Kapag naman badmood ako, effortless niya akong napapa good vibes. Tapos ngayun hindi na nagpapakita, at may lovelife na pala. Sa iba ko pa talaga nalaman ah.

"Asus, asan na yong 'Best Friends Forever' na sinasabi niyo dati?" Kianna said reminiscing.

"Wala nga talaga sigurong forever," sabi ko sabay roll ng eyes, "At siya lang naman nagsabi nung 'Best Friends Forever' chuchu noon noh!" ewan ko ba don! Puro ka ek-ekan. Di naman totoo yung forever niya!

Napailing naman si Kianna, "Mga tao nga naman. Kung sino pa yung nagsasabi ng forever, siya pa yung magbebreak. Tsk2."

It was awesome but we lost it

It's not possible for me not to care

And now we're standing on the rain

But nothing's ever gonna change until you hear, my dear

Nag-aya si Kianna na gumala sa MOA since boring at kami lang dalawa yung tao sa dorm dahil nga hindi pa nakakabalik yung iba after ng vacation.

Naghihintay lang ako kay Kianna rito sa labas ng comfort room dahil nag-CR pa siya when I suddenly saw someone familiar. Well, imposibleng nagkakamali ako na siya nga yon dahil kilalang-kilala ko siya physically, mentally, and emotionally. Malayo pa lang siya and I was about to call his attention when I noticed na he's with his new girl pala kaya I acted nalang as if I didn't see him and I turned nalang my back from them.

DLSU (SongFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon