Thief (Part ii)

370 26 8
                                    

PO1 Thomas Torres

Nandito ako ngayon sa headquarter namin dahil on duty ako.

Habang may inaasikaso at pinag-aaralan akong mga papeles tungkol sa mga kaso ngayong linggo ay may biglang dumating.

Nagsalute si SPO1 Tigno sa amin at ganun din naman kami sa kanya. Siya yung tumatayong leader dito sa office namin.

"Kumusta naman ang trabahong to para sa inyo, so far?" tanong ni SPO1 sa amin since puro mga PO1 lang rin kami dito na mga kasama niya.

"Hassle nga sir eh." pabirong sagot naman ni Jeron.

"But it's alright naman kasi we're loyal sa job na 'to and we love this job." dagdag pa ni Josh and we have to agree with that.

"Good." nakangiting sabi ni SPO1 Tigno, "I guess we'll make a great team." dagdag niya pa and he shook our hands.

Nagpatuloy na kami sa mga kanya-kanya naming ginagawa nang may bigla nanamang dumating.

Nagknock siya sa door namin kahit nakabukas naman ito. "Good morning, guys?" medyo alanganin niya pang tanong.

Napangiti ako when I finally saw her face. Si PO3 Galang pala pero naka civilian lang siya. I guess hindi pa siya naka duty.

Napatingin naman ang lahat sa kanya including SPO1 Tigno pero kumunot yung noo niya.

"And you are?" tanong niya kay PO3 Galang. "Paano ka nakapasok dito?" dagdag niya pa.

What the heck?! Bakit lagi nalang siyang napagkakamalan na hindi police? Medyo napachuckle naman ako dahil akala ko ako lang. Pati pala si SPO1 Tigno, hindi siya kilala.

Magsasalita palang sana ako to introduce them to each other nang biglang natawa sina PO3 Galang and SPO1 Tigno. Okay, what's happening?

"Langya ka Tigs, porket nag seminar lang sa Singapore ah!" biro ni PO3 Galang habang kunwari pang sinusuntok yung tiyan ni SPO1 Tigno.

Hinawakan naman ni SPO1 Tigno yung mga kamay niya to prevent it from hitting his stomach. Why do they look so close with each other? Tss.

"Joke lang, syempre." sagot ni Tigno habang ginugulo pa yung buhok ni PO3 Galang.

I'm not liking the sight and I don't know why kaya I continued nalang with what I was doing a while ago.

"Ay, by the way," rinig kong biglang sabi ni Tigno. "This is my officemates nga pala," buti naman at naisipan niya pa kaming ipakilala.

"This is PO1 Jeron Teng," sabi niya sabay point kay Jeron at nag salute naman ito sa kanila.

"PO1 Joshua Torralba," tinuro niya naman si Josh and Josh did the same as Jeron.

"And of course, PO1 Thomas Torres." nagsalute ako and nginitian si PO3 Galang.

"Oh, I know him! I know him!" excited na sabi ni PO3 Galang kaya mas napangiti ako.

"Really? Nagkakilala na pala kayo?" medyo gulat pang tanong ni Tigno.

"Yep." sagot ni PO3 Galang at nagwave pa sa akin.

DLSU (SongFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon