Nagmahal. Nasaktan. Nagsaya.

396 25 9
                                    

It's Showtime

Ara's POV

"Ang taray mo babae ha. Kapag ito napanood ni Pao, baka magfeeling yon na mahal na mahal mo parin siya." taas kilay na sabi sa akin ni Mika.

"Hindi yan. Di ko naman imemention yung name niya e." sabi ko pa sabay kindat.

"Nako, dapat lang! Ayus-ayusin mo yan Victonara ha, kundi naku!" dagdag pa ni Carol.

"Relax nga guys. No harm done naman tong gagawin ko e." natatawa ko pang sabi sa kanya.

"Ewan ko sayo! Maghanda ka na nga jan." sabi pa ni Cienne.

"Feeling naman kasi may jowa to e." sabi rin ni Camille.

"Bakit ba? Pwede naman daw as long as nasaktan ka ah? Di naman kailangang naging kayo talaga." sagot ko naman kaya naparoll nalang ng eyes si Cams.

Natawa nalang ako. Lahat sila, tutol dito sa gagawin ko pero sinamahan parin ako dito sa studio. Hahay, what are friends for nga diba?

"Ms Victonara, magready na po kayo. Tatawagin na kayo in a minute." sabi nang isang staff kaya nag ready na 'ko.

"Oh, gora ka na. Galingan mo a!" pahabol pa ni Kimy bago ako tulayang pumunta sa stage.

"Ipakilala na natin ang makakashowdown ni bebe girl number one."

"Eto na at panoorin na natin ang kwentong pag ibig ni bebe girl number two. Role VTR!"


3.. 2.. 1..

Akala ko okay ang lahat.

Akala ko nagmamahalan kaming dalawa.

Akala lang pala.

Oo nag assume ako.

Sobra sobra.

Pero kasi pinaasa niya rin ako nang sobra sobra eh.

Okay naman kasi ang lahat kahit wala kaming commitment noon.

Masaya kami kapag kasama namin ang isa't-isa.

Ang sweet niya sa akin.

At akala ko sa akin lang siya ganun.

Hanggang isang araw nalaman ko nalang na may girlfriend na pala siya.

At dati niya pa palang nililigawan yon.

And eventually, he leave me hanging.

"Wag kang mahulog nang sobra dahil hindi sa lahat ng bagay, may sasalo sayo."

Ako si Victonara Galang.

Nagmahal

Nasaktan

Nagsayaw


Sinabayan ko ang music while I'm dancing my heart out. Yes, hindi naging kami ni Pao, but I was really and totally hurt. He broke me the moment he left.

Pinaasa niya ako.

Pinaasa niya akong merong kami.

DLSU (SongFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon