Second Generation

319 11 2
                                    

"Yan, kumain ka na?" napatingin ako sa likod ko when my best friend, Vince Torres called me.

I waited for him naman so we can walk together. "Hindi pa. Papunta nga akong canteen ngayon e."

"Okay. Sabay na tayo." he said. "Give me your bag. Let me carry it for you."

"Ayan nanaman po tayo, binibaby nanaman ako." pagbibiro ko.

"Edi useless na tong muscles ko kung wala naman pala akong bibitbitin?"

"Asus, Vince. Gusto mo lang talagang ipag-mayabang yang muscles mo eh."

Natawa nalang siya sabay akbay sakin.

Madadaanan namin on our way to the canteen yung Grade 9 Department and as expected, Junjun will call us.

"Vince! Ate Arriane!" mahinang tawag samin ni June Melecio. "San si Arie?" tanong niya pa.

Natawa kami ni Vince before I answered. "Andun sa Student Council Office. Busy."

"Ah. Kaya pala di nagrereply." sabi niya naman at sinilip pa yung phone niya.

"Eh kelan ka ba nireplyan nun?" pang-aasar ni Vince kaya pabiro naman siyang sinipa ni Junjun.

Like me, part din ng Student Council si Andrea Caracut at ang crush na crush ni Junjun na si Arie Van Opstal.

"Ate Arriane! Kuya Vince!" this time, ang mag best friend naman na sina Gabby Torralba at Pia Intal ang tumawag sa amin.

"Papunta kayong canteen?" Pia asked.

"Can you buy something for us?" Gabby added.

"Asus, kayo kaya bumili dun." singit naman ni Junjun.

"Anjan pa kaya si Sir." sagot ni Gabby. "Ate, Kuya, Pleeeease!"

"You can let Mico bring it here nalang. Feel ko nasa canteen yon now." Pia said.

"Hindi nanaman pumasok si Mico Rivero?" I asked.

"Eh kelan ba yon pumasok?" sabi naman ni Junjun.

"Tsk Tsk. Mico talaga. Gutom na ko. Let's go na, Yan." Vince said at nagpaalam na kami sa tatlo.

When we got into the canteen ay nag-order na kami kaagad at nakita naman namin si Tori Torres.

"What are you doing here? You have classes pa." striktong sabi ni Vince sa kapatid niya.

"It's our break time pa kaya, kuya! And Amiel dragged me here kasi." pagdadahilan naman ni Tori.

"Huy. Hindi kaya kita pinilit." bulong pa ni Amiel Go kaya siniko naman siya ni Tori. Natawa nalang ako sa dalawa.

"Sige na. You two, go back to your classroom." Vince stated.

"Okay po. Bye kuya! Bye ate Arriane!"

While we were deciding on what table to choose ay sakto namang nakita namin ang lovebirds na sina Marielle Espejo at Carlo Reyes, so dun na rin kami umupo.

"Uy ah, nagdadate kayo dito. Kapag kayo, nahuli na Kristoff, lagot!" pagbibiro ni Vince.

Kristoff Espejo is Marielle's younger brother and sobrang strict yun sa ate niya, especially pagdating sa lovelife.

"Hayaan niyo yon si Kristoff. Wag kayong maniwala dun." biro naman ni Marielle at natawa nalang kami.

The four of us continued talking lang about random stuffs when Pogs Vosotros popped out of the picture.

"Yan, may bente ka? Pwede pautang? Hehe." pakamot-kamot pa siya sa batok while asking.

"Ubos nanaman allowance mo sa Dota?" sabay pang sabi ni Vince and Carlo.

Since wala akong nakitang twenty pesos sa wallet ko, I gave him the 50 peso bill nalang.

"Yes! Thank you, Yan!" at ayun, lumapit na sa kung anu-anong stall para umorder ng pagkain.

"San na kaya yon si Kenn? Ang alam ko, magkasama sila ni Pogs eh." sabi ni Carlo.

"Parang nakita ko kanina sa court. Kinakausap ni coach." Vince answered.

Kenn Montalbo is the Team Captain of De La Salle Zobel Boys' Basketball Team. He has a twin sister named--

Speaking of his twin sister.

"KATE!" tawag ni Pogs sa kakapasok lang na si Kate Montalbo.

Mabilis namang lumapit si Kate sa table namin. "Manlibre naman kayo jan." sabi niya pa.

"Eto si Vince oh, maraming pera." pang-aasar ni Marielle kaya natahimik naman si Kate.

"Uyyyy. Ayiieee." gatong pa ni Carlo kaya pinanlakihan siya ng mata ni Kate. Si Vince naman parang wala lang naririnig. Arte talaga! Haha.

"May gagawin pa pala ko. Bye guys!" mabilis na naglakad si Kate paalis at hindi na lumingon pabalik.

Natawa nalang kami. Hays, ito talagang dalawang to.

Alam kasi ng lahat na crush na crush ni Kate 'tong si Vince. Pero itong si Vince naman, napaka pa-hard to get at hindi pinapansin si Kate. Ewan ko ba dito.

"Yan, yung phone mo, tumutunog." mabilis ko namang kinuha yung phone ko na nasa table. "Message from messenger ata."

Tyrone Torres • Active Now

11:42 AM

Tyrone : Arriane

Tyrone : Arriane Jade

Tyrone : Arriane Jade Teng

Tyrone : Kasama mo si vince?

Tyrone : Please tell him I messaged him po
Seen

***
A/N: May part two (or so on hehe) but di ko pa alam kung kelan ang next UD. Please leave a comment!😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DLSU (SongFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon