Author's Note: So many things are running on my mind since I saw that thobe ganap. Huhu naiiyaq nalang ako. Bat may genewn? So eto, pampagaan ng loob.
***
Ara Galang
"Naks, bumabawi si Torres ah." sabi ni Mika habang nakatutok sa cell phone niya.
"True! Kahapon lang, may ganap pa sila ni CSR e, tingnan mo ngayon, bumabawi sa Thomara fans." pagsang-ayon ni Carol.
"May nalalaman pa silang palo e! Ispike mo nga yung mga yun Ara at nang matauhan na hindi sila bagay!" dagdag pa ni Cienne na umiirap-irap na.
Naparoll nalang rin ako ng eyes ko. "Bakit? Ano nanaman bang ginawa ni Torres ngayon?" tanong ko kay Mika.
Finace niya naman sa akin yung phone niya at nakaplay dun yung video ni Thomas.
"Hi idol Aruh."
Napa-'Tss' nalang ako. Alam niya naman kasi na simpleng pag 'Hi idol Ara' niya lang ay marami nang kikiligin.
Marami nang aasa.
At masasaktan lang naman in the end.
Akala ko ba, mahal niya yung fans namin? Bakit parang gustong-gusto niya namang nakikitang nasasaktan sila?
Pero kung sa bagay, sinabi niya naman rin sa akin noon na mahal niya 'ko. Pero sinaktan niya lang rin naman ako.
Tumayo ako galing sa pagkakahiga sa sofa at naglakad palabas ng pintuan.
"Oh, san ka pupunta? Huy!" sigaw ni Mika at sumunod pa sa akin.
"Basta, jan lang." sagot ko at lumabas na ng pinto.
"Sama kami!" sabi naman ni Camille. Ang kukulit talaga.
"Wag na. Babalik ako kaagad," sabi ko at mabilis nang umalis para di na sila mangulit pa.
Mabilis akong pumunta sa Razon dahil alam ko naman na dun lang siya tumatambay kahit ngayong graduate na siya.
Hindi nga ako nagkakamali. Mag-isa siyang naglalaro ng basketball sa court at nagpapractice ng lay-up.
Hindi niya na shoot yung last ball niya kaya mabilis ko 'tong nakuha at dinribble ko 'to. Napangiti naman ako, namiss kong magbasketball.
"Aruh," tawag niya sa akin.
Tiningnan ko muna siya bago ko ishoot yung bola. "Paasa," mahina kong sabi.
"What?" kunot noo niyang tanong.
"Wala. Mag-usap tayo," he slightly nodded and pareho kaming naupo sa bleachers.
Tahimik kaming pareho at parang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Pero dahil ako naman yung gustong makipag-usap ay ako na ang unang magsasalita.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"Ars," pero naunahan niya 'ko. Napatingin ako sa kanya just to find out na nakatingin rin siya sa akin. "I think I love her already."
Napapikit ako because of what he said. Inexpect ko naman na mangyayari talaga to e.
Nagnod ako and I smiled. "Congrats! Naka move on ka na pala kay Arra." I said emphasizing the double 'r'.
Natahimik kami uli ng matagal and this time, ako na ang naunang magsalita.
"Thom, about sa fans natin," panimula ko and I'm sure na gets niya naman yun. "Please stop. Patuloy silang umaasa e." patuloy akong umaasa.