Chapter 4: Because you're important to me

291 16 0
                                    

Ferquin's Pov

Kinabahan na ako nang hindi na ako imikin ni Aria. Simula ng marinig nya ang banta ko kay Impaktong Christian.

What did I do? Wala namang masama dun diba? Natural lang naman sigurong protektahan ko sya kahit bilang kaibigan lang?

Pero kaibigan nga lang ba? Kung sakaling handa na akong pumatay, wag lang syang masaktan?

Ahhhh!! Nababaliw na ako!

"Huy!"

"Ay bakulaw!" igtad ko

Nakuha ko ang expression na yun kay Aria. Sya kasi ang mahilig magreact pag nagugulat

Napagalpak naman ng tawa si Natalie sa likod ko kaya binato ko sya ng unang bagay na mahawakan ko.

Sapul! Hahaha

Tinamaan ang mukha nito ng libro na binato ko

"Aray ha?!" angal nito

"Eh kung hindi ka naman boba! May nabato bang hindi nasasaktan?" pamimilosopo ko

Badtrip ako ngayon kaya wala ako sa mood makipagbiruan

"Fine ako na ang tanga.. Bakit ba kasi hindi maipinta yang mukha mo?" upo nya sa tapat kong upuan

As usual hindi muna ako pumasok ngayon, kasi masyado akong kinakabahan na hindi ako kinikibo ni Aria

"Si Aria kasi..." parang naiiyak ng sumbong ko

Shit! Para akong bumalik sa pagkabata nito.

Hindi na kasi ako umiyak. Simula nung maghiwalay sila Mommy at Daddy pero heto na ako ngayon na parang batang nadapa at nasugatan kaya nagsusumbong sa magulang

"Oh bakit? Nanjan naman si Aria sa classroom ah" mabilis na alo nya saakin. Sabay hagod sa likod ko

Mabuti nalang talaga at nandito si Natalie. Kahit na may topak ang babaeng ito. Parati ko naman syang nasasandalan kapag kailangan ko ng kausap

"N-napaaway kasi ako kanina k-kay Impaktong Christian.. Nasaktan nya kasi si Aria. Kaya sinapak ko sya.. P-pero nadulas akong sabihin sa harap ni Aria na papatayin ko si Christian kapag sinaktan nya pa ito ulit.. Kaya ngayon hindi na ako kinikibo ni Aria.. Nat. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag umiwas saakin si Aria.. Mahal ko sya.. Mahal na mahal" iyak ko na ng tuluyan

Yumakap naman saakin si Natalie habang pilit akong pinapatahan

"Shhh tahan na.. Hindi yun iiwas ok? Baka nasa shock state lang sya.. Hayaan mo kakausapin namin sya ni Jade.. Tahan na" tahan nya saakin

Medyo nabasa na din tuloy ang damit nya dahil sa pagyakap nya saakin. Pero hindi nya yun pinansin.. Kumalas lang sya ng yakap ng mapansin na tumatahan na nga ako

"S-salamat.. Sorry din nag emote pa ako sayo" punas ko sa mga luha ko

Nakakabaliw nga pala talaga ang mainlove. Pero kahit ganito to kahirap. Alam kong kapag natuto talaga akong maghintay at magtyaga. Makakamit ko din yung gusto kong mangyari. At yun ay ang maging kami ni Aria

"Hahaha! Asus! Ayos lang yan. Ikaw nga din ang natakbuhan ko nung napanghihinaan na ako kay Jade eh. Kaya fair lang tayo" nakangiting sagot nya

"Natakbuhan? Nasa bahay ka lang naman nakahiga ah?" pamimilosopo ko

Kaya natatawa nya akong binatukan

"Sira ka talaga! Lika na. Samahan mo ko sa canteen.. Lamon muna tayo" hila nya na saakin

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon