Chapter 21: Gangster trouble

123 10 2
                                    

Third person's Pov

"Tol. Aalis na sila. Tara na" excited na aya nung lalaking may highlight ang buhok

"Sandali lang G*go! Baka makahalata sila tumakbo pa sa police station" pigil naman nung lalaking mukhang palagi may regla sa pagkakabusangot ng mukha

"Eh ano naman kung pumunta silang police station? Nandito si Vrix na anak ng mayor oh! May backer to! Kaya tara na. Tumataas na ahas ko oh! Gusto ng pumasok sa kweba" malaswang hirit naman nung isang mukhang adik

Tinuro pa yung lalaking nagsisigarilyo. Habang may dalang bote ng beer sa kabilang kamay

"Yan. Lumabas na sila. Tara na" tayo na nung tinawag nilang Vrix

"Kita nyo. Excited din si V e" natatawang hirit nung nakahighlight ang buhok

"Shut up Hades" suway ni Vrix

Nanahimik naman ang lahat

Naglakad na din sila palabas. At nakita pang papasakay sa isang sasakyan ang grupo nila ni Blue

Nakita ni Vrix na nakita sila ni Blue at nagkatitigan pa ang dalawa. Bago ito sumakay sa kotse.

Hindi tuloy maiwasang mapangisi ni Vrix nang makita ang kulay asul nitong mata na lalong nagpaganda sa maamo nitong mukha

"Akin lang yung blue ang mata" nakangising paalala ni Vrix sa mga kasamahan

Upang ipaalam sa mga ito kung sino ang gusto nyang maikama

"At bahala na kayo sa iba" dugtong pa nito

Nagsingisian tuloy ang mga kasama nito

"Sundan na natin" utos na nito ng umandar na ang kotse nila Blue na si Yuri pa ang nagdadrive

Nagsisakayan naman na ang mga lalaki sa van at pick up na sasakyan nila at sumunod na sa pupuntahan nila Blue

Ferquin's Pov

"Quin. Tama yung hinala mo. Sinusundan tayo ng mga unggoy" seryosong sabi saakin ni Yuri. Habang nagdadrive at tinitignan ang side view mirror

"Tsk! Sabi na eh. Kaya tayo umalis sa bar dahil sakanila" banas na hirit naman ni Caltris

"Ilan ba sila? Kaya natin yan" walang ganang sagot ni Zyriel

"Zy. May kasama tayo. Kung kaya nating iwasan ang gulo gagawin natin" saway ko

Napatingin naman sya saakin ng parang nagtataka

Oo na ako ang troublemaker saamin. Pero kung madadamay si Aria igigive up ko yun

Naramdaman kong sinunod ako ni Yuri. Mas binilisan nya ang sasakyan at pilit na nililigaw ang nakasunod. Pero yung isang sasakyan lang ang naiwala namin. Magaling magdrive ang driver nung nasa unahan

Shit!

"Teka.. Parang kilala ko yung driver nung isa ah" lingon ni Aisha sa likod. Sya yung kasama ni Caltris

"What do you mean?" sabay pang tanong namin ni Caltris

Di naman kasi tented yung van nung mga ugok. Kaya kita namin yung mga nasa harapan

"Vrixter Mamaril! Sya yung nag iisang anak ng mayor dito sa tagaytay" nanlalaki ang matang sabi ni Aisha

"Sure ka Ai? Anak ng mayor?" tanong naman ni Ana ang kasama ni Yuri at nasa tabi din nito sa front passenger seat

"Oo sya nga. Nakita ko ang mukha nya sa magazine" sang ayon din ni Alexandra. Yung kasama ni Zyriel. Na nakatingin din sa sasakyan na nakasunod saamin

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon