Chapter 26: Broken Promises

138 6 3
                                    

(A/N: Warning. Rated SPG. Lagpasan nyo nalang yung scene if you want.)

.

Rosaria's Pov

(Flashback)

Nag aalala akong nagpalakad lakad dito sa kusina habang hinihintay kong lumabas si Blue at ang kanyang mga magulang sa taas

Nakita kasi ng mga ito na hinahalikan ako ni Blue

Hays. Malamang magagalit sila sakanya. Pero sana naman maging ok parin sya. Ayoko syang maging malungkot.

At lalong ayokong mamili sya sa mga magulang nya o saakin

"Anak. Kalma lang. Magiging maayos din ang lahat" nag aalalang paalala ni Papa saakin

Nakaupo ito at umiinom ng tubig dahil napagod daw ito sa trabaho

Isa pang inaalala ko paano si papa? Paano kung madamay ito kung sakaling magkagulo dahil sa relasyon namin ni Blue?

Naman oh!

Parang hindi ko kakayanin na makitang naghihirap si Papa.

Nasa ganun akong pag iisip ng marinig ko ang pagbukas sarado ng pinto sa taas kung saan nag uusap usap sila Blue at mga magulang nya

"You!" rinig kong sigaw ng mama ni Blue. Habang nakaturo saakin

Kulay asul din ang mata nito. At katulad nito ay mukha rin itong nakakatakot kapag nagalit.

"P-po?"  kinakabahang tanong ko

Lumapit ito sa kinaroroonan namin at ang hindi ko inaasahan ay malakas ako nitong sinampal

"Blaire!!" galit na saway ni Papa

Pero parang wala lang sakanila ang ginawa dahil napangisi lang sya saakin

"You stay away from my daughter. You hear me?!" duro nya pa saakin

"Tantanan mo nga ang anak ko Blaire! Alam ko namang ayos na kay Fernando ang relasyon nila ni Ferquin. Kaya wala kang karapatang saktan sila"  inis na tanggol sakin ni Papa

Hindi ito nakaimik dahil dun ng ilang segundo pero pansin kong lalo lang itong nagalit

"Bakit? Ano bang kailangan nyo? Pera? Ibibigay ko sainyo. Magkano ba ha?!" sabay hugot nito ng wallet sa bag

"K-kailanman po ay h-hindi ko po minahal si B-blue dahil mayaman sya. D-dahil hindi naman po yung dahilan kung bakit ko sya minahal" nakayukong sagot ko

Hindi ko na napigilang mapaluha sa mga narinig kong sinabi nila

Parang ang baba ng tingin nila saamin ni Papa na parang pera lang ang naging habol namin

"Sige.." rinig kong sabi ng mama ni Blue.

Dahilan para mapatingin ako sakanya

"Sige. Mahalin mo sya. Pero sa tingin mo ba magiging masaya sya sayo? Kasalanan ang magmahal ng kapwa mo babae. Dahil kung ang mga hayop nga hindi ito ginagawa. Sa tingin mo ba hindi mo lang mahihila sa impyerno ang anak ko?" seryoso pero alam kong nagpipigil ng galit na dugtong nito

Lalo akong napaluha sa sinabi nila

Tama sila. Hihilain ko lang sa kasalanan si Ferquin kapag pinagpaatuloy pa namin ito

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon