Chapter 31: I Love You, Forever

122 4 0
                                    

Ferquin's Pov

Kinakabahan ako sa totoo lang. Pero pilit ko nalang dinadaan sa pang aasar nang dalhin ko si Aria sa lupa kung saan ko balak ipatayo ang magiging bahay namin.

Pinahanap ko pa to kay Lao dahil nasa real state ang business ng pamilya nya. At expertise nya ang paghahanap ng lupa. Kaibigan din namin sya nila Yuri. Yun nga lang sa America na kasi sya tumira ng mag 10 sya. Kaya hindi na namin sya nakasama

Pumunta lang din sya ngayon dito dahil 18th birthday ni Yuri next week. Si Yuri kasi ang bunso namin sa barkada. Kaya mag dedebut palang kahit grade 12 na. Maaga din kasing nag aral

Pero yun nga. Hindi parin nawala kaba ko. Actually maaga na namin tong plinano. Pero laging may sumisira. Kaya naisip kong kutsabahin nalang lahat. Cause I'll need all the help I can get in order to make this work

At yun nga. Sinabi ko na din sa Papa ni Aria ang lahat. Kasama yung nangyari samin to have her back. At tawang tawa lang sya ng si Dad ang mambatok sakin. Para ngang si Dad ang may anak kay Aria eh. Pero gets ko naman sya

Well binalaan naman ako ni Tito Rey na wag sasaktan si Aria kundi sya ang makakalaban ko. Kaya nangako akong aalagaan at proprotektahan ko ang anak nila. At mamahalin ko sya ng buong puso

Pumayag din sila na magpropose na ako. Pero syempre dapat daw kasama sila. Yun naman talaga ang plano ko. Para lahat ng mahal namin sa buhay ang makasama namin sa special na araw na yun

At ito na nga...

Pagkatapos kong kumanta ay lumuhod na ako with the box in my right hand. I slowly opened it using my left hand

"Te casarias conmigo, Mi amor?" spanish na tanong ko sa sobrang kaba

Ay shunga! Malamang hindi nya naintindihan.

"S-sorry.. I said will you marry me? My love?" nautal na tanong ko

Lalo pa akong kinabahan ng matagalan ang pagsagot nya dahil panay parin ang pag iyak nya

Hala! Baka hindi pa pala sya handa. Baka mamaya ayaw nya pa pala dahil masyado pa kaming bata. Baka iniisip nya pa si mama. O kaya baka--

Hindi ko na natuloy ang pag iisip ko ng kung ano ano nang makita ko ang sunod sunod nyang pagtango habang patuloy paring umiiyak

Napasigaw naman sa tuwa ang mga nanonood saaming pamilya namin. Habang ako ay natulalang napangiti sa naging sagot nya

Nahimasmasan nalang ako ng nakangiting inabot nya sakin ang kaliwang kamay nya. Kaya dali dali akong tumayo mula sa pagkakaluhod at isinuot ang engagement ring sa ring finger nya

Sobrang saya ko. Hindi ko din tuloy mapigilang hindi mapaluha sa sobrang saya

Pinunasan ko pa ang mga luha sa pisngi nya

"I love you" nakangiti pero naiiyak na hayag ko

"I love you too" nakangiti ding tugon nya na lalong nagpasaya sakin

Hindi ko na napigilan pa. Infront of our family and friends. I kissed her and showed them how much I love this woman in my life

---------------------------------------------------------------------

"How do you feel right now?" nakangiting tanong ko habang marahang hinahaplos ang buhok ni Aria sa balikat ko

Nagpunta sa beach para magswimming ang lahat. Habang kaming dalawa ni Aria ay nagpaiwan sa taas. May nakahanda na kasing salo salo sa beach since may pinatayo akong cabin dun

Balak ko din kasing gawan dun ng business para kapag tumanda na ako at hindi na pwede ang malalayong business trip. Pwedeng dito nalang ako with my wife

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon