Epilogue

180 8 0
                                    

Rosaria's Pov

"You really sure you want to do this?" pang ilang tanong na ba yan ni Blue?

Hindi ko na alam. Nawala na ako sa bilang.

Napabuntong hininga nalang ako at nilingon sya na sinasabing sigurado nga talaga ako. kaya wag na syang umangal

Pinatanong ko kasi kay Tito Fernando ang papa ni Blue kung saan ngayon tumutuloy ang ina nito. Para bago pa man kami ikasal ay magkaayos na ang mga ito

Alam kong hindi ito magiging madali dahil sa paningin ng ina nito ay kasalanan ang gagawin namin. Pero kasalanan bang magmahal? Kasalanan bang maging masaya kami sa piling ng isa't isa? Diba sabi lang naman sa bibliya bawal mag siping ng hindi pa kasal

Ay takte! Ginawa pala namin hehe

Dibale papakasal naman kami sa tamang panahon eh. At sisiguraduhin naming maglilingkod kami sa panginoon.  Para makita nitong hindi kami sa pagmamahal namin sa isa't isa dahil makakasama namin sya sa aming pagsasama

"Bakit ayaw mo bang magkaayos kayo ng mama mo?" tanong ko nang mukha parin syang nag aalala sa gagawin namin

"Gusto.. pero ayoko namang pagsalitaan ka ulit ni Mama ng masasama" marahang hawak nya sa magkabila kong pisngi

Dahilan para mapangiti ako.

Ang swerte ko talaga at sya ang mapapangasawa ko. Maalalahanin na nga. Sobra pang sweet

"Matagal pa naman bago talaga tayo magpakasal eh. Mag aaral pa tayo. Ikaw mag aabogado  at ako naman doctor.  Kaya gusto kong gawin to. Para kapag kinasal na tayo maayos na kayo. Kasi mama mo parin sya eh. At handa ako sa lahat ng sasabihin nya" pagpapanatag ko ng loob nya

"Yung church wedding ang tinutukoy ko" dugtong ko pa ng mukha syang batang magtatantrums sa sinabi kong matagal pa ang kasal namin

Yun nga lang may pagkaisip bata hahaha. Pero cute naman kaya ayos lang

Napangiti naman agad sya sa dugtong ko. See? Hahahaha

"Sige na nga.. basta kapag may nasabi si mama na masakit ipagtatanggol kita" pagpayag nya

"Blue..." saway ko habang naglalakad na kami palapit sa gate ng bahay ng mama nya

"Eh anong gusto mong gawin ko?" alalang lingon nya ulit

Kaya napatigil ulit kami sa paglalakad.

"Pagkatiwalaan mo lang ako. Kaya ko to. Blue" bigay ko sakanya ng assuring smile sabay hawak ko sa magkabila nyang kamay

Sa huling pagkakataon ay napabuntong hininga ulit sya na parang kinakalma ang sarili. Napatango nalang sya dahilan para mapangiti ako

Kahit naman ako kinakabahan sa gagawin. Pero kung hindi namin ito gagawin ngayon. Kailan pa?

"Hindi din naman ako magiging Future Mrs. Delos Santos kung hindi ako magiging kasing tapang mo" pagpapagaan ko pa ng loob nya

Tsaka ako kumapit sa braso nya. Nang maglakad ulit kami. Nakita kong napatingin sya sakin at lumawak yung ngiti.

At sa mga ngiting yun. Kumalma ako hanggang sa makarating kami sa mismong gate

"Tao po" tawag ko

Pinindot naman ni Blue ang doorbell sa tabi nito. At maya maya ay may sumilip doon na isang lalaking nakauniporme

"Ano pong kailangan nila?" bunggad nito

"Mang Alfred, is Mom home?" sagot ni Blue

"K-kayo po pala Ma'am. Opo pasok po kayo" pagluluwag nito ng daan papasok

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon