Chapter 5: In love na ata ako

281 13 0
                                    

Rosaria's Pov

Simula ng sabihin nya saakin yun parang lalo akong nagandahan sakanya

Hindi ko alam kung ano na nga ba tong nangyayari saakin. Unang beses ko palang to naramdaman at masasabi kong kakaiba ang pakiramdam na ito para saakin

Parang paulit ulit na umuulit din ang sinabi nya saakin nung gabing tabi kami natulog

"Because you're important to me"

"Because you're important to me"

"Because you're important to me"

Napailing nalang ako upang mawala sa utak ko yun. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakatulog nung gabing yun o kung nakatulog ba ako

Ang naaalala ko lang.. Kahit na nakaharap ako sakanya ay nakayakap parin ang mga braso nya. Na parang pinapahiwatig na hindi nya ako papakawalan

Para ding komportable syang nakayakap saakin. Ewan ko ba sakanya.. Ang sarap ng tulog eh. Paggising ko naghihilik pa sya at mas lalo pang lumapit ang mukha nya sa mukha ko..

Flashback

Babangon na sana ako ng maramdaman kong may brasong nakadagan sa bandang bewang ko at nakayakap

Pagtingin ko si Blue pala

Takte! Ang ganda nya. At ang kinis pa ng mukha nya. Kahit na nakikipag away. Hindi nabawasan ang kagandahan nya

Ang amo din ng mukha nya na maihahalintulad sa isang anghel.. Kaya nga natakot ako ng makita ko kung paano sya magalit sa Christian na yun

Hindi ko naman talaga sya iniwasan ng araw na yun eh.. Hindi ko lang inasahan na pwede nyang magawa yun dahil lang saakin.. Magkaibigan lang naman kami tapos papatayin nya kapag sinaktan ako? Ayoko din naman sya maging kriminal sya no

Tapos habang nag iisip ako kung paano sya pipigilan sa banta nyang yun. Nagkasakit pa si Papa.. Kaya napilitan akong umabsent ng ilang araw. Para maalagaan ko sya.

"Ugggh!" hilik nya na ikinahagikgik ko

Ang cute nya.. Para talaga syang bata.. Inosente

Napatingin ako sa noo nya. Walang pimple. Ano kayang feeling paghumalik ako doon?

Sa kilay nya.. Hindi gaanong makapal at lalong nagpapaganda sakanya.

Sa pilik mata nyang mahaba ang pilintik. Sa mata nyang kulay asul. Na lalong nagpapatapang sa itsura nya

Ilong na maliit. Pero matangos.. Yung mga pisngi nyang palagi nalang namumula

Ewan ko ba kung may blush on to.. Pero parang wala naman eh. Minsan kasi wala naman yung pula ng pisngi nya.. Namumula lang yun kapag kasama ko sya.. Pero kapag nakikipag away sya.. Tenga ang namumula

Huli akong napatingin sa mapula nyang labi. Medyo nakaawang pa ito. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung ano bang amoy nito ngayong umaga na

Kagabi kasi, amoy hininga ng baby..

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. Sapat na para maamoy ko yung hininga nya.. At para pa akong naengkanto ng maamoy kong ganun pa rin

Hindi nagbago! Hindi bumaho..

Ang daya.. Samantalang yung sakin parang nabulok na ata XD

Nabalik ulit ang atensyon ko sa labi ni Blue at para akong natulala ng malaman ko kung gaano kalapit ang mukha namin

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon