Chapter 8: I'll be closer to her

215 12 0
                                    

Ferquin's Pov

"What the hell is you're problem?! Bakit mo yun ginawa sa boyfriend ni Aria?!" galit na sermon saakin ni Natalie

Hindi ko sya pinapansin. Wala akong pakialam sakanya

She could say whatever she likes. Badtrip ako ngayon kaya hindi ko sya papatulan

"Yell that's enough" kalmadong suway naman ni Jade sakanya

"No! Kailangan malaman nya na hindi tama yung ginawa nya.. Sabi nya mahal nya si Aria.. Mahal pa bang matatawag kung sasaktan nya yung mga taong importante sa taong mahal nya?!" hindi paawat na sagot nya

I just roll my eyes

Hindi nya kasi ako maintindihan kaya sya ganyan. At wala akong planong magsayang ng oras sa pagpapaliwanag ng side ko kung hindi pa nga ako nagpapaliwanag hinuhusgahan na ako agad

"Aalis muna ako" walang ganang paalam ko.

Tumayo na ako pero mabilis nya akong hinarang

"Get out of my way Nat.." mariing utos ko

Oo na.. Ako na ang masama.. Palagi naman eh.. Everything I do is bad.. Kaya nga walang nagkakagusto sakin.. At kahit yung kaisa isang taong minahal ko. Hindi pa ako kayang mahalin

"Sa tingin mo matatakot mo ako sa ganyan mo?"inis na tanong nya

Napangisi naman ako

Mukha na nga syang takot eh haha

"Listen.. Tigilan mo na to" hila nya pa sa kwelyo ko

Tumaas naman ang kilay ko

"At bakit naman kita susundin?" nanghahamong tanong ko

Mukhang napaisip naman sya ng isasagot

Umaawat na nga din saamin si Jade pero pareho kaming hindi nagpapaawat

"Basta tigilan mo na to" mariing utos nya na ikinatawa ko

Why would I stop if I'm just getting started?

"Paano kung sabihin ko sayong hindi ako titigil? May magagawa ka ba? You know me Nat.. Kilala mo ako pag nagalit. So I suggest na protektahan nyo nalang ang ugok na yun kung gusto nyo syang tulungan" seryosong sagot ko

Tsaka ko sya nilagpasan

Badtrip.. Kung gusto nilang kampihan ang Angelo na yun. Edi kampihan nila! Wala akong pakialam

Pumunta ako sa parking lot ng school at mabilis na sumakay ng kotse ko. Tsaka ito pinasibad paalis

I drove to the nearest bar na makikita ko. Kailangan ko ng alak. Pampalimot na din yun

"Ferquin Blue Delos Santos" bati saakin ng may ari pagpark ko palang ng kotse ko sa reserved parking lot nila para sakin

"Hey Miguel" bati ko sa Co gang ko at nakipag high five

Yeah. Gangster din sya at second rank. Syempre ako ang leader and first rank sa gang namin at sa lahat

"Mukhang napabisita ka ah.. Just in time. May bagong wine ako dito" aya nya saakin sa loob

Pumunta kami sa medyo hindi matao na parte ng bar at doon umupo. Pinakuha nya pa sa waiter ang wine na tinutukoy nya

"Hindi wine ang kailangan ko Migs.. I need beer" seryoso kong sabi

Kumunot naman ang noo nya

Hindi kasi ako palainom ng alak. Even though I'm a gangster hindi naman ako lasenggera. Mataas man ang tolerance ko sa alak. Hindi pa rin ako umiinom ng matapang na alchohol at alam yun ni Miguel

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon