Chapter 12: Kissing. While the water falls

221 12 0
                                    

Ferquin's Pov

"Tagal nyong bumangon ah" nakangising bunggad saamin ni Natalie nang buksan ko ang pinto

Alam ko ang iniisip nya. Pero hindi yun nangyari kaya binatukan ko sya hahaha

"Gagi! Magtigil ka nga sa kakangisi  mo! Nagmumukha kang aso eh" inis na suway ko

Eh sa gusto ko din sanang totoo yung iniisip nya. Pero sad to say hanggang panaginip lang yung kissing scene namin ni Aria.

"Aso ka dyan. Sa ganda kong to?!" tinapat nya pa ang kamay nya para ma-emphasize yung maganda nyang mukha. Kuno haha

Para namang nagwork.

"Talaga? Saang banda?" taas kilay kong sagot

Napansin kong nagpigil ng tawa si Aria dahil napatakip pa sya ng bibig. At sumingkit pa lalo ang mata nya

"Heh! Isusumbong kita sa Baby ko kasi inaaway mo ako!" parang bata na walk out ni Nat

Hahaha baliw! Para namang may magagawa si Jade para hindi ko sya malait

"Grabe ka sa pinsan mo ah. Magkadugo kaya kayo" natatawang sabi saakin ni Aria

Haha yes napatawa ko sya

Masaya akong napatawa ko sya pero di ko pinahalata.

"So sinasabi mo bang pangit ako Miss Munoz?" taas kilay kong tanong

Pero sa totoo lang ay nangingiti na ako

"W-wala akong sinasabing ganyan" nahintakutang sagot nya at agad na nag iwas ng tingin

Hindi ko na tuloy mapigilan ang hindi matawa

Namumula kasi yung mukha nya na parang natakot syang magalit ako

"Kidding.. Wag kang masyadong matakot saakin. Remember ako pa rin to ang Ferquin Blue na naging kaibigan mo" nakangiting paalala ko

Gusto ko lang sabihin sakanyang magpapakabait na ako simula ngayon

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin

"Hey you alright?" nag aalalang tanong ko ng marinig ko ang hikbi nya sa balikat ko

"Masaya lang ako.. Kasi namiss kita.. Nakakatakot ka kasi nung nagsungit ka eh" nakangiting sagot nya nung kumalas sya.

Pilit nya pang pinunasan ang mga luhang kumawala sa mata nya. Kaya hindi ko napigilang hawakan ang magkabilang pisngi nya at ako na ang nagpunas ng luha nya

I love you. Gusto ko sanang sabihin. Pero saka nalang. Kapag nasa tamang oras at tamang lugar kami..

"Tara na?" aya ko na

Hiniwakan ko pa ang kamay nya. Nakangiti naman syang tumango. Kaya sabay na kaming lumabas ng kwarto

-----------------------------------------------

"Guys. Since this is your camping trip. Ang kailangan nyo lang gawin ay ang magsaya" nakangiting paalala saamin ni Miss Nicolas

May hawig ang teacher naming yan kay Nadine Lustre kaya hindi ko maiwasang mapatitig sakakanya

Ewan ko ba. Ang ganda nya kasi eh. Pero syempre mas maganda pa rin para saakin si Aria hahaha

And speaking of Aria. Nasaan na yung babaeng yun?

Lumapit ako kay Nat na kasamang nakaupo sa bench si Jade.

Hays.. Mukhang naghaharutan nanaman sila ah. Wala talaga silang pinipiling lugar sa landian nila

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon