Chapter 24: I'll never let you go

117 7 0
                                    

Ferquin's Pov

"What the hell?! Ferquin?! Ano yun?!" galit na galit na sigaw ni Mommy

Napayuko naman ako

Hindi sa kinakahiya ko si Aria. Kaya ko syang ipaglaban kahit kanino. Pero hindi ko lang talaga inaasahan na sa ganitong paraan pa nila malalaman

At si Mommy pa talaga ang nakakita mismo. She's my idol and heaven knows how much I wanted to see her. Simula ng maghiwalay sila ni Daddy.

Pero si Aria ang pinag uusapan dito. Hindi ko kakayanin kung sya yung mawawala saakin

I love her so much. At ikakamatay ko kung maghihiwalay kami

"Blair. That's enough" seryosong suway ni Daddy

"Enough?! Kailangan pagsabihan tong anak mo Fernando! Nang tumino naman ang pag iisip nya" duro ni Mommy saakin

Nasasaktan na ako pero malaki ang respeto ko kay Mommy. Hindi ko sya kayang sagutin.

"I SAID ENOUGH!!" biglang sigaw ni Daddy

Doon ako napatingin sakanya. Gustong gusto ko na syang yakapin ng makita ko ang pagmamahal sa mga mata nya

Yung taong palagi kong pinapasakit ang ulo. At palagi ko ding sinasagot sagot ng pabalang. Sya pa pala ang magtatanggol saakin.

Naguiguilty tuloy ako

"This is all you're fault Fernando! If you didnt spoil Ferquin then maybe she would'nt turn out to be like this!" turo saakin ni Mommy na parang isang kakaibang nilalang na ngayon nya lang nakita

"Like what?! Blair?!" hamon na tanong ni Daddy

"Like a disgusting lesbian!" puno ng galit na sagot ni Mom

Dun na ako napaiyak ng tuluyan

Ang sakit eh..

Yung taong iniidolo mo. Yun pa pala ang taong unang huhusga pa sayo

"Umalis ka na dito Blair" narinig ko nalang na utos ni Daddy

Halata pang nagpipigil sila ng galit. Dahil tulad ko namumula din ang tenga ni Dad kapag naiinis sya. Pero lamang si Dad. Dahil kaya nyang kontrolin ang galit nya. Samantalang ako hindi

"Tss.. Now paaalisin mo ako? No! Isasama ko si Ferquin sa america para tumino sya" anunsyo ni Mom na ikinaalarma ko

Nanlaki ang mata ko at napatayo agad

"I'm not leaving. Hindi ko iiwan si Aria" determinadong sabat ko

Napatingin naman silang dalawa saakin. Si Mom mukhang lalong nagalit dahil naningkit pa lalo ang mata nya. Habang si Dad na binigyan ako ng tipid na ngiti na parang sinasabing sya na ang bahala sa usapan

"What do you mean you're not leaving?! Susuwayin mo ako?!" galit na tanong saakin ni Mom

"If I have to. Then yes.. Mahal ko po si Aria. And nothing in this world can make me stop loving her. Wala akong pakialam kung sino ang mga hindi sang ayon sa pagmamahalan namin. I love her and I'll fight for her" matatag na sagot ko

Hindi ko alam kung saan ko na nahuhugot ang lakas ng loob kong ito. Pero kung para kay Aria. I'm willing to suffer hell just to be with her. Cause for me she's my angel

And as long as we have each other. We'll be happy

Pero di ko inaasahan ang susunod na nangyari...

Bigla kasi akong binigyan ni Mommy ng isang malakas na sampal

"Blair!" naalertong saway ni Dad at pumagitna saming dalawa

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon