Rosaria's Pov
"Good morning, Love" nakangiting bati saakin ni Blue paglabas ko palang ng bahay
Nililinis nya yung jeep ni Papa.
Dahilan para manlaki ang mata ko
"Blue ano bang ginagawa mo jan? Hindi mo dapat ginagawa yan!" hindi na napigilang sermon ko sakanya
Napakamot naman sya sa batok nya at nahihiyang ngumiti saakin
Napatingin naman ako sa paligid at nakaramdam ako ng pagkainis nang makita kong halos lahat ng kapitbahay namin ay nakatingin kay Blue
Take note.. Pagnanasa sa girlfriend ko ang mga nasa mukha nila habang tinititigan ito
Paano ba naman kasing hindi? Kung maglilinis na nga lang sya ng jeep eh ang ikli pa ng suot nyang shorts!
Jusko naman! Umagang umaga pero nagdidilim ang mga paningin ko sa mga ito
"Nakita kong madumi na eh. Tsaka alam ko namang maglinis nito. Pinag aralan ko" ngisi nya pang sagot saakin kaya napatingin ako sakanya ng masama
Agad naman nyang tinaas ang dalawang kamay nya na parang sumusuko. Dahilan para mas lalong tumaas ang suot nyang sando na crop top at sumilip ang abs nya
Buset!
Agad ko nalang syang nilapitan at hinatak papasok ng bahay. Wala na akong pakialam kung madumihan yung sahig dahil medyo basa pa sya.
Basta ayoko lang na may nakakakita sakanya sa ganung itsura.. Lalo na ang pagnasaan sya ng iba
"Kung maglilinis ka ng jeep balutin mo yang katawan mo! Hindi yang halos makita na yang kaluluwa mo" agad na sermon ko
Para naman syang naguluhan sa sinabi ko kaya kinuha ko ang tsansang yun para kumuha ng tshirt sa loob ng kwarto namin
Oo kwarto namin. Since dito daw sya nakikitulog at may nangyari na daw saamin ay sa iisang kwarto na din kami matutulog. Tumutol ako dun pero makulit sya kaya napilit nya ako.. Pero hindi kami gagawa ng milagro hanggat di pa namin nasasabi kay papa ang lahat. Pati sa papa nya. Depende pa yun kung sasabihin nila saaming hindi pa pwede kaya dapat magtiis sya
Agad akong nakakuha ng malaki at maluwag na tshirt ko. Pang jersey pa nga sya eh at may nakasulat na 'Munoz' sa likod ko at number kong '25'
Tsaka ko yun inilabas at inihagis kay Blue. Na agad nya ding nasalo
"Isuot mo" istriktang utos ko
"May damit naman na ako ah" inosenteng sagot nya
"Edi palitan mo!" naiinis ng singhal ko
Mukhang nagulat naman sya
Pero hindi nya parin ginawa. Unti unti syang napatingin doon sa tshirt kong hawak nya na parang nag iisip
Hanggang sa maisip nya kung bakit ako nagkakaganito at unti unti syang napangiti saakin
"Anong nginingiti mo jan?!" pilit ko paring pagsusungit kahit halata ko ng alam nya ang pinagsusungit ko sakanya
Paniguradong mang aasar sya eh
"Nagseselos ka ba?" nakangising tanong nya
Napanganga naman ako at bahagya pang tinuro ang sarili para magkunwaring nagulat sa sinabi nya
"Ako?" tanong ko. Tumango naman sya at tumaas din ang isang kilay
"Bat naman ako magseselos? At tsaka kanino naman?" pilit ko paring magkunwari
BINABASA MO ANG
Loving You Is Strange (School Series 1)
RomanceFerquin Blue is the Queen of the Gangster Arena. The leader of troublemakers. She has the voice that would make anyone smile. The talent to dance any song. And a perfect face to fall in love with.. Everything was perfect. Except for her attitude.. B...