Chapter 18: Can you be my girl?

159 10 0
                                    

Ferquin's Pov

Agad akong napangiti pagbukas palang ng mga mata ko nang mabunggaran ko agad ay ang maamo nyang mukha. Na mahimbing pa rin ang tulog

We didnt make love last night. Pero kahit na ganun masaya pa rin ako kasi kasama ko sya bago sya matulog at paggising ko. Sya din ang una kong nakita

Sana ganito nalang araw araw. Yung tipong kasama ko sya bago matapos ang araw at sa simula nito

"Good Morning, Mi Hermosa Amore" nakangiting bati ko at marahan na humalik sa noo nya

(Mi Hermosa Amore- My Beautiful Love)

Sa noo lang muna at baka di ko pa mapigilan ang sarili ko kapag sa labi nya na. Masama yun lalo na at tulog sya. Mabuti sana kung gising para mapigilan nya ako hahahaha

Simula ng makilala ko sya parati nalang akong nakakaisip ng kalaswaan. Specially on how to make love to her.

How to satisfy her needs. And most importantly how to make her happy

Nandito sya sa tabi ko natulog ngayon dahil sa request nyang turuan ko sya sa mga lecture na hindi nya daw naiintindihan

Tumanggi nga ako kasi di naman ako marunong magturo at baka lalong hindi nya maintindihan. Pero makulit sya. Kaya ginawa ko nalang

Flashback

"Ano? Gets mo na?" mahinahon na tanong ko

Nakatingin pa rin sya sa notebook at libro na ginagamit namin sa pagtututor ko sakanya

I took the chance to look at her angelic face. Kahit kumukunot ang noo nya sa pag intindi ng tinuturo ko sakanya. Hindi ko pa rin maiwasang mapangiti. Dahil kahit anong ikulubot pa nang mukha nya. Sa paningin ko. Sya pa rin ang pinakamaganda

"Gets ko na!" masayang anunsyo nya pagkalipas ng ilang minuto at masayang tumingin saakin

Lalo tuloy akong napangiti. Naiisip ko kasing ang swerte ko at nakita ko sya sa araw na yun. Na saktong punta din namin sa cinehan

I dont usually go to malls dahil may movie room naman tong bahay. But now that I realized. I'm glad I did go

Kasi nakita at nakilala ko pa sya ngayon. At masaya akong kasama sya. I'm also ready to spend the rest of my life with her. Kahit sabihin pa nilang masyado pang maaga. No one can stop me

Naghikab sya. Sign na inaantok na sya

"Bukas nalang natin to tapusin. Inaantok ka na" nag aalalang payo ko

Tumango naman sya at akmang aalis na sa kama ko. Nang yakapin ko sya mula sa likod

"Oh! Akala ko ba matutulog na ako? Bakit parang ayaw mo kong paalisin?" natatawang tanong nya nang halikan ko sya sa pisngi. Habang nakayakap pa rin

"Dito ka na matulog" parang batang lambing ko

Natawa naman sya

"Bawal.. Ano ka ba? Baka mahalata ni Papa at Tito" hindi naman sya naiinis parang nahihiya pa nga yung boses nya

"Eh ano naman kung mahalata nila? I'm willing to tell them that I love you. And I'm also willing to fight for you." seryosong sagot ko

"Kahit mawala na lahat saakin Aria. Basta wag lang ikaw.. I'm willing to give up everything.. So please.. Sleep with me" dugtong ko pang pakiusap

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon