Chapter 17: Despacito

195 13 1
                                    

Rosaria's Pov

Simula nung nagbati ulit kami ni Blue. Parang mas lalo pa sya naging sweet saakin. Lalo pa ngang naging masaya eh

"Hola Mi Amor" yakap nya mula sa likod. habang nagluluto ako

(Hola- hello/hi)

Napangiti naman ako sa kaharutan nya

Hahahaha kaharutan kasi humahalik halik pa talaga sya sa balikat ko

"B-blue.. Baka makita tayo nila Tito at Papa" suway ko sakanya at bahagya pang hinampas ang kamay nya sa bewang ko

Narinig ko naman syang napahagikgik sa likod ko

"Fine.. Pero pagbigyan mo na ako dun sa request ko.." nagpapacute na pakiusap nya

Natawa tuloy akong napatango

Kahapon nya pa kasi sinasabi saakin na magdate daw kami. Pero sa kalsada lang para makatikim sya ng street foods

Pambihira talaga sya. Sobrang inosente sya sa maraming bagay. Tulad nalang dun sa lugaw na pinag awayan namin

Kinain nya naman na nung gumawa ulit ako. Sinabihan ko kasi sya na aalis na talaga ako ng tuluyan kapag di pa nya kinain. At hindi ko naman inaasahan na magugustuhan nya pala. Nakailang ulit nga sya eh

"Anong niluluto mo?" tanong nya. Hindi na sya nakayakap. Nakaakbay nalang

"Champurado" nakangiting sagot ko at pakita ng niluluto ko

Kumunot naman ang noo nya

"Kanin nanaman?" tanong nya

"Yup.. Chocolate flavour" natatawang sagot ko

Mukha kasi syang batang papakainin ng isang pagkain na hindi nya pa natitikman. Kaya medyo natatakot sa lasa

"Wag mong sabihing hindi mo nanaman to gustong kainin?" taas ko sakanya ng kilay

Mukha naman syang natakot at mabilis na nagtaas ng dalawang kamay na parang sumusuko

"K-kakainin ko! Kakainin ko yan" mabilis pang sagot nya

"Very good" nakangiting sagot ko at pinagpatuloy na ang pagluluto

Napakamot tuloy sya ng batok habang naglalakad papunta sa dining area

Hahahaha panalo ako. Natakot pa ata syang magalit ako

--------------------------------------------

"Anong oras tayo magdadate?" tanong saakin ni Blue habang nakahiga sa lap ko

Nandito kami sa garden ng bahhay nila. Wala kasi dito sila Papa at Tito kaya kami lang dalawa at ang mga maids na nagpapahinga

Napatingin naman ako sakanya mula sa pagkakatingin sa ulap

"Mamaya pagmalapit ng magdilim.. Wala pang bukas na bilihan sa park pag ganitong oras" sagot ko. Sabay halik sa noo nya na ikinapikit nya habang nakangiti

Gustong gusto ko na syang sagutin. Para maging kami na pero hinihintay kong tanungin nya ako

Tumingin nalang ulit ako sa langit at pinagmasdan ang mga ulap

"Aria.." tawag nya saakin

"Hmm?" sagot ko nalang ng hindi pa rin tumitingin sa kanya at sa ulap na hugis heart ako nakatingin

"Can you kiss me on my lips? I miss it so much" parang batang request nya

Hindi ko tuloy maiwasang mamula sa request nya

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon