Chapter 19: We're official

167 10 0
                                    

Ferquin's Pov

Kahit nakita kong napangiti at kinilig sya sa pakulo ko. Hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan sa isasagot nya

Paano kung sabihin nyang no? Bukod sa nakakahiya masakit yun sa puso

Pero pinilit ko pa ring ngumiti nung tumingin sya saakin at bahagya pang naawang ang bibig

"Can you be my girl?" pigil kong mautal na tanong ko

Nakakatakot talaga kapag tahimik

"YES NA YAN!" sigaw pa ng mga estudyante

Yan! Ganyan nga.. Bibigyan ko ng pabuya ang tutulong saakin na mapasaya si Aria..

Magpapakabait ako sakanila

"Aria??" tanong ko pa ng hindi pa rin sya nagsasalita

Napatingin naman sya saakin at mabilis na tumango

Para naman akong nanigas. At gulat na lumaki ang mga mata ko

"T-talaga? Y-yes?" nautal pang tanong ko

Ngumiti sya at tumango ulit

Shit! YESSS!

Hindi ko na napigilang buhatin sya sa tuwa

Napatili naman sya sa gulat

"B-blue ibaba mo ko!" saway nya

Napaayiiee din naman ang mga estudyanteng nanonood saamin. May iba ding pumapalakpak saamin at ang iba humiyaw pa na bagay na bagay daw kami

Marahan ko naman syang binaba at agad na sinalubong ng halik sa labi

I kissed her passionately infront of everyone

Proud akong akin na sya eh

Napakapit naman sya sa batok ko. At napahawak din ako sa bewang nya

Napangiti tuloy ako sa gitna ng halikan namin

"I love you, Rosaria Red" bulong ko sa mga labi nya habang magkadikit ang mga noo namin

"I love you too, Ferquin Blue" bulong nya din

Napangiti pa ako nang sya ang humalik sa labi ko

Sa wakas! She's officially mine

--------------------------------------------

"Mi Amor!!!" malakas na tawag ko kay Aria

Kararating ko lang sa bahay dahil pinapunta pa ako ni Daddy sa school para umasikaso sa isang meeting. May inaasikaso din daw kasi sila sa gobyerno

Tsk! Ang matandang yun talaga. Pati ako nadadamay sa mga trabaho nya

"Bakit?" mahinhin na sagot ng pamilyar na boses habang nagmamadaling bumaba ng hagdan para lapitan ako

Nawala tuloy agad ang inis at pagod ko sa trabaho ng makita ko ang maamo nyang mukha na nagmamadaling lumapit saakin

Napangiti tuloy akong napatingin sakanya

Pero nawala din.. Nang makita ko ang suot nya..

What the hell?!

Gusto nya bang marape ng maaga?!

Halos makita na kasi ang lahat ng tinatago nya sa suot nyang nighties. Kulay black ito pero see through naman. Kaya kitang kita ko ang itim nyang bra at panty.

Ni hindi man lang nya naisipan ang magshorts! Akala ko ba hindi sya sanay magsuot ng ganyan?

"What the hell are you wearing?!" hindi mapigilang mairita na tanong ko

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon