Ferquin's Pov
"Talagang balak mong magpakalunod?" dating ni Jade
Nandito ako ngayon sa pool area. Nagswiswimming mag isa. Habang hinahayaan ko lang na malubog ang buong katawan ko sa ilalim ng tubig
Nakalubog na nga ang katawan ko naririnig ko pa ang boses nya. Nakukuha nya na din talaga kay Natalie ang pagiging makulit
Speaking of Natalie.. Mukhang hindi nya ito kasama ah
Lumangoy na ako pataas ng maramdaman kong kailangan ko na ng hangin
"Anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong ko. Tsaka ako lumubog ulit
Well sanay naman na sila sa mga change of moods ko.. Kaya ayos lang
"Yell want me to check on you. Baka daw kasi totohanin mo yung sinabi mo at mawalan pa sya ng pinsan" concern na sagot nito
Napangiti naman ako sa ilalim ng tubig sa sinabi nya
Hindi man talaga halata pero maalaga talaga ang bruhang yun hahaha.. Palagi ko man syang sinusungitan ako pa rin ang iniisip nya
"Oh san si Blue? Akala ko ba dito yun nagpunta?" rinig kong tanong ni Natalie
Napalingon naman sakanya si Jade at pasimpleng tinuro ang pool kung saan ako nakalubog
"Holy shit! Umahon ka nga jan!!" gulat na utos nito
Kaya tawang tawa akong umahon sa tubig
"Makapag react ka naman" natatawang asar ko
Piningot nya naman ang tenga ko
"A-aray!! Shit! Stop it" inis na suway ko
Totoo naman kasi eh.. Masakit yung pingot nya.. Kahit sabihin nating maliit ang kamay nya. Pagnamingot naman sya masakit.. Sobrang sakit
Bumitaw naman sya ng awatin siya ni Jade
Fuck! Kung hindi lang talaga masakit tong puso ko gagantihan ko tong babaeng to
"Tumigil ka nga sa mga biro mo! Alam kong nasaktan ka sa nakita mo. But you have to understand.. Nandito pa rin naman kami para sayo" sermon ni Nat
What the hell?! So iniisip talaga nilang magsusuicide ako?! The fuck!?
"What are you talking about?!" iritang tanong ko
"Nilulunod mo ang sarili mo diba?! You told us that! Kaya nga nandito kami para pigilan ka"
Natameme pa ako nung una. Pero nung magsink in na sa utak ko yung sinabi nya.. That is when I found myself laughing so hard
Kumunot naman ang noo ni Nat sa inasal ko habang nagpipigil na din ng tawa si Jade
"So you think I'm gonna commit suicide? Is that it?" paninigurado ko pa
"Yes.." parang nahihiya ng sagot ni Natalie
Natawa nalang ulit ako
"You know me Nat.. Hindi ako ganun.. I'm not the kind of person who would give up that easily.. Hindi pa nga ako lumalaban give up na agad?" nakangising sagot ko
"You mean wala kang balak magsuicide?" paninigurado nya naman
"None.. Pero may balak akong magpatumba ng kwagong haharang harang sa daan ko" ahon ko na sa pool at kinuha ang twalya ko
"What do you mean?" singit naman ni Jade
Nakangisi naman akong humarap sakanila
"Its time to bring back the old tradition" makahulugan na sagot ko
BINABASA MO ANG
Loving You Is Strange (School Series 1)
RomanceFerquin Blue is the Queen of the Gangster Arena. The leader of troublemakers. She has the voice that would make anyone smile. The talent to dance any song. And a perfect face to fall in love with.. Everything was perfect. Except for her attitude.. B...