Ferquin's Pov
"Quin. Tama na yan" awat saakin ni Yuri
Nandito kami sa bar ni Miguel ngayon
Syempre nagpasama ako sa mga kaibigan ko. Gusto ko munang maglabas ng sakit. Tapos bukas laban ulit.
Ganito ako. Lalo na kapag sinabi kong hindi ko susukuan ang isang tao..
Ilalabas ko muna lahat ng sakit na nararamdaman ko. Tapos kapag namanhid na o kaya ko na ulit tumanggap ng sakit. Lalaban na ulit ako
"Hayaan nyo muna sya" saway ni Zyriel sa dalawa nang akmang aagawin na ni Caltris ang baso ko
Kaya napatigil yung dalawa at napatingin kay Zy. Ako naman ngumiti sakanya and mouth her thank you. Ngumiti din naman sya saakin at napatango
"Anong hayaan Zy? Malalasing yan kapag pinabayaan" sumbat ni Caltris
"Cal.. Parang di mo naman kilala tong si Quin. Oo malalasing yan. Pero para mawala lang sandali yung sakit na nararmdaman nya.. Pagkatapos nyan babalik yan sa dati" paliwanag ni Zy
"Zy is right Cal. Basta alalayan nalang natin si Quin kapag nalasing. Kaya naman natin sya sinamahan dito para damayan e" sang ayon din ni Yuri
Hindi ko nalang pinahalata na natutuwa ako sa pinapakita nilang pagdamay saakin. Lalo na ng umupo na sa tabi ko si Zyriel at nag order din ng sariling beer
Ganun naman ang ginawa nung dalawa sa tapat namin. At nag order din ng sariling inumin. Well except kay Caltris na juice lang ang inorder
At mukhang napansin din yun ng dalawa
"Naks! Caltris is that you?" nang aasar na tanong ni Yuri
"What??" nangingiting tanong nya saamin
Napangisi din tuloy ako sakanya pagkatapos kong inumin ang alak sa baso ko
May tinatago sya saamin. And she's so obvious
"Bakit juice ka lang ha? Di ka naman ganyan dati" napahawak pa sa babang sabi ni Zyriel na animo isang imbestigador
"Oo nga Cal.. Sa inuman nga natin dati ikaw yung nangungunang malasing. Tapos mawawala dahil may kasex na pala" deretsahang sabat ko
Sabay namang napatakip ng tenga yung dalawa
Well katulad ko kasi ang dalawang yan. Virgin
Pero unlike me. I have my Amore
Kaya hindi ako sensitive sa ganyang topic XD
"Alright. Alright.. Stop putting me on the hotseat.. I just promised..." namumulang taas nya ng dalawang kamay na parang sumusuko sa pambubuko namin
"Promised what?" curious na tanong ni Zy.
Nakikinig din naman pala eh hahahaha
"I promise na magtitino na ako. That includes na hindi na ako iinom at makikipag.. Sex" ngisi nya sa dalawa na nagtakip ulit ng tenga hearing the word
Kaya natawa ako
Mga sensitive talaga eh
"So sya na talaga ang magpapatino sayo?" tanong ni Yuri
"Well..." pambibitin ni Cal at bahagya pang napapikit
Pero the moment na tumingin sya saamin. We already know the answer to our question
Her eyes twinkled with happiness
"I think I'm in love with her" napangiting sagot nya
Kaya masaya din kaming binigyan sya ng group hug
BINABASA MO ANG
Loving You Is Strange (School Series 1)
RomanceFerquin Blue is the Queen of the Gangster Arena. The leader of troublemakers. She has the voice that would make anyone smile. The talent to dance any song. And a perfect face to fall in love with.. Everything was perfect. Except for her attitude.. B...