Chapter 15: Hot Temper

192 13 0
                                    


A/n: Guys. Uunahan ko na kayo ah. Hindi to spg. May ibang meaning yang title :)
_________________________________

Rosaria's Pov

"Ay grabe kinilig ako sa pakulo ni Blue. Ang galing nyang magpakilig" kinikilig na puri ni Jade

Sila ni Nat ang kasama ko ngayon sa loob ng tambayan nilang classroom. Wala nanaman si Blue. May aasikasuhin lang daw saglit. May pinapagawa kasi si Tito sakanya

Napangiti naman ako at bahagyang inamoy ang rose na kulay blue na bigay nya mismo.

Sa lahat ng nagbigay ng bulaklak saakin. Yung kay Blue lang ang tinanggap at nagustuhan ko

"Mas magaling palang manligaw si Blue kesa sayo Baby" natatawang buska ni Jade kay Nat

Kaya napanguso ito. Natawa nalang kami sakanya

"Oh! Anong pinagtatawanan nyo dito?" tanong na pasok ni Blue sa tambayan

Hindi nanaman tuloy maiwasan ng puso kong magwala lalo na ng makita ko sya

Ang ganda nya kasi talaga eh. Lalo na yung kulay asul nyang mga mata. Na ngayon ay parang nakangiti na rin

"Sinasabi ko kasi dito kay Nat na mas magaling kang manligaw kesa sakanya. Ni hindi ko nga alam na kumakanta ka pala eh" sagot ni Jade

Napangiti namang tumabi saakin si Blue

"Well you know that there is nothing I can't do, just to make Mi Amor happy" nakangiting sagot ni Blue at bahagya pang napatingin saakin.

Kaya hindi ko nanaman maiwasang hindi mamula sa kilig

"Ano nga palang meaning ng Mi Amor?" naalalang tanong ko

Sakto nandito si Nat. Paniguradong naiintindihan nya ang sinasabi ni Blue. Ang sabi lang kasi ni Tito half spanish sila eh. Kaya marunong mag espanyol si Blue

At alam kong espanyol ang salitang yun. Hindi ko lang alam kung ano ang meaning

"My Love" sagot ni Blue

Kaya napatulala ako ng mapatingin ako sakanya

Ano daw??

M-my love??

Parang lalo pa atang nagwala ang tibok ng puso ko sa sobrang kilig na dinulot nun saakin

My love daw eh

"Mi Amor means My Love" paliwanag nya pa

"Sa tagal mong hindi sinabi yung meaning nung endearment mo sakanya natulala tuloy sya" natatawang asar ni Nat

Kaya naman nahampas sya ni Jade at nabatukan naman sya ni Blue

"Magtigil ka nga" suway ni Jade

Napakamot naman ng batok si Nat na natahimik din

Si Jade na ang nanaway sakanya eh

"Mi Amor.. I mean Aria. Are you alright?" nag aalalang tanong saakin ni Blue

Lumuhod pa sya sa harap ko para magkapantay ang mukha namin. Habang nag aalalang nakatingin saakin

Tulala pa rin kasi ako at pilit na pinapakalma ang nagwawalang tibok ng puso ko

Hindi ko na nakontrol ang sarili ko at mabilis na niyakap ko si Blue para itago ang pamumula ng mukha ko nang finally nagsink in na sa isip ko ang ibig sabihin nung tawag nya saakin

Grabe talaga ang isang to! Mababaliw ata ako sa sobrang kasweetan nya. Dinaig pa ang lalaki eh

Hindi na ako magtataka kung bakit andaming may gusto sakanya. Sa ganda at sexy ba naman nya. Masungit nga lang. Pero atleast saakin mabait sya. Sweet pa

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon