Chapter 27: Sweet Comeback

143 5 0
                                    

Rosaria's Pov

"So?? Nagkabalikan na ba talaga kayo ni Blue?" usisa nila Ana saakin

Nandito pa silang tatlo. At hindi ko alam kung kailan nga sila babalik sa manila ilang araw na din . Dito pa nga sila natulog eh. Wala daw kasi si Papa dahil may trabaho ito kaya kinulit nila akong dito sila matulog

Napatango naman ako sakanila at nagpigil ng ngiti

Eh sa hindi parin ako makapaniwalang kami na ulit. Pero hindi ko pa kwinento sakanila yung nangyari.. Minus yung ano.. Hindi ko yun sasabihin

"Pero paano ba kayo nagkaayos?" tanong ni Alex

Kakasabi ko lang na hindi ko pa nakwekwento eh

Kaya kwinento ko nalang sakanila. Pero hindi ko sinama yung nag ano kami. Ang sinabi ko lang ay sinama nya ako sa bahay nya at doon kami nag usap ng masinsinan pagkatapos nya akong halikan

Private na saamin yung sa kotse nya

Napatili naman sa kilig yung dalawang lukaret. Habang si Aisha napangiti lang saamin.

"Grabe! Nakakakilig kayo. At infairness kay Blue ah.. Ang galing nyang dumiskarte" puri at hampas ni Ana kay Alex sa kilig

Kung alam lan nila kung gaano sya kagaling

Namula ako sa naisip ko.. Argh Blue!! Dinudumihan mo ang isip ko

"Pero yun lang ba??" tanong ni Alex

Kaya napatingin ako sakanya ng nagtataka

Napansin naman ata nyang nagtataka kami sa ibig nyang sabihin kaya napatikhim sya at inikutan kami ng mata

Tignan mo to. Parang kami pa ngayon ang may kasalanan na hindi namin gets ah

"What I mean is.. Yun lang ba ang ginawa nyo sa bahay nya? Nag usap?" intriga nya

Napabuga naman ng iniinom na tubig si Aisha. Kaya nag aalala kaming hinimas ang likod nito

"A-ayos lang ako" mahinhin na pigil nya saamin at napaubo lang ng konte

"Gets nyo na ibig kong sabihin?" singit na tanong ni Alex dun sa dalawa

Natawa namang tumango si Ana at nagthumbs up pa. Habang si Aisha ay mahinang natawa at tumango. Pero namula naman ang pisngi

"Hindi ko parin gets" naguguluhang tanong ko

Totoo naman eh. Ano bang tinutukoy nila?

Si Ana naman ngayon ang umirap saakin at nang ikot ng mata. Habang si Aisha ay napailing nalang pero natatawa parin

Yung totoo? Nagiging maldita naba sila?

"Ang slow mo kasi eh" si Alex

So kasalanan kong hindi nila kayang idirect?

"Ako pa ngayon? Ako pa ngayon may kasalanan? Sige isisi nyo na lahat" nagtatampo tampuhan na tanong ko

Nakatanggap tuloy ako ng batok kay Ana na ikinatawa ko

"Sira! Wag mo nga kaming dramahan. Ang ibig naming sabihin.. Hindi ba kayo.. Nag.. Alam mo na? Yun?" magulong paliwanag ni Ana

Huh? Ano daw?

Napakunot lalo ang noo ko

Inirapan nanaman ako ni Alex sa reaction ko

Kasalanan ko bang hindi ko gets?

"Hindi ba kayo nagsex ni Blue?" deretsahang tanong ni Alex ng hindi na sya nakatiis

Napatakip naman ng tenga si Ana at Aisha. Habang ako ay hindi maiwasang mamula ng maalala ko yung ginawa namin ni Blue

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon