Chapter 20: Get together

107 11 2
                                    

Ferquin's Pov

Pagkatapos naming mag usap ni Yuri ay bumalik na kami. Sakto din namang pababa na si Aria. At nagpalit ito ng damit. Pero nakasimangot sya saakin

"Girlfriend mo yun Quin diba?" bulong na tanong saakin ni Yuri

Pinakita ko kasi sakanya ang picture ni Aria. Hindi kasi sya nakasama nung tinanong ko si Aria ng big question. Pero sya ang nag edit nung mga picture na pinakita sa malaking flat screen tv

May laban kasi sya nung araw na yun.. At pagkatapos ay dumiretso sya sa school nila at yun nga.. Naging instant girlfriend nya naman si Ana

"Yup" proud na sagot ko

Pero medyo natawa ako ng irapan nya ako at dere deretsong pumunta sa kusina

May hula na ako kung bakit sya nagkakaganyan

"Mukhang may LQ kayo ah.. Suyuin mo na yan ngayon. Ako na ang bahala sa barkada" tapik naman ni Yuri sa balikat ko

"Thanks Yu. Wag mo silang hayaan na makapasok sa kitchen ah" ngising paalala ko

Natawa tuloy syang tumango. Nag apir kami at pumasok na ako sa kusina. Habang nagsilbing bantay papasok sa hallway na yun si Yuri. Nakita ko pang pumunta pa sya malapit sa barkada para mas mabantayan ang mga ito

Kaya kampante akong isinara ang pinto

"Aria..." mahinang tawag ko

Napatingin naman sya saakin at napasimangot ng makitang ako to. Uminom lang ulit sya ng tubig at tumalikod saakin

Kaya napangiti akong yumakap sa likod nya

Oo may topak ako. Kasi kahit naaasar na sya. Napapangiti pa rin ako. Ang cute nya kasi eh. Parang ang ganda ganda nya pa rin kahit pikon na pikon na sya

"Aria..." lambing na bulong ko sakanya

Nakatalikod pa rin sya

"Hmp! Wag mo kong ma Aria jan" sungit nya pa rin saakin

Pilit nya pang ginagalaw ang balikat para mapakalas ako ng yakap. Pero mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap

"Bakit ka ba nagagalit?" painosenteng tanong ko

"Sus! Kunwari ka pa.. Alam mo naman kung bakit eh" kalas nya sa yakap ko at akmang maglalakad na palayo. Pero mabilis kong nahila ang braso nya nya at niyakap sya paharap

"Eh hindi ko nga alam eh.. Bakit ba?" pilit ko pa rin

I wanna hear it from her

"Hindi mo ba talaga alam??" naiiritang tanong nya

Tumango ako.

Sa lapit ng mukha namin gustong gusto ko na syang halikan sa labi. Pero pinipigilan ko dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko

Inis na hinampas nya ang braso ko. Dahilan para mabitaw ako. Pero agad ding yumakap ulit ng akmang magwawalk out na sya

"Sorry na.. Sorry na talaga.." Mabilis na sabi ko

Alam kong hindi nya pa kayang sabihin. Kaya pagbibigyan ko nalang sya. Mukhang nasobrahan ko na eh

"Sorry saan?" matigas na tanong nya

Napabuntong hininga ako.

Parang nabaliktad atang ako ang magsasabi ng kasalanan ko ah.. Hays dibale na nga.. Basta magkaayos kami

"For giving you a kissmark.. Di ko na din kasi napigilan ang sarili ko eh" napapakamot sa batok na sagot ko

Nakahawak pa rin naman ang kamay ko sa bewang nya. Kaya parang nakayakap parin ako

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon