Chapter 30: Proposal

102 4 4
                                    

Rosaria's Pov

Kinakabahan ako para kila Blue sa totoo lang. Pero alam ko namang kakayanin nya. Lalo na at alam ko kung gaano sya kalakas sa pakikipaglaban

Ang ayoko lang ay yung masaktan sya. Baka masugod ko din yung makakasakit sakanya eh

Kaya kinalma ko nalang ang sarili ko. At pinanood ang pagpunta nila sa kanya kanyang pwesto

May kanya kanyang pwesto kasi ang grupo nila Blue at parang pinaghati hatian talaga nila ang mga kalaban. 28 kasi lahat ang kalaban kaya mukhang tig 7 silang apat. Habang may dala pang arnis ang mga ito at sila Blue walang armas na kinuha. At protective gear lang sa siko hanggang sa wrist ang protection nila

"Tatayo nalang ba kayo jan o susugod na?" rinig kong asar ni Blue dahilan para mapikon ang mga kalaban nila at isa isa ng sumugod sakanilang apat

Sabay sabay pa kaming napangiwing mga nanonood nang hindi pa nga nakakalapit ng sobra ang mga kalaban nila. Eh tumilapon na sila sa sipa nung apat

Take note. Sabay sabay pa ang pagsipa nila dahilan para mas lalong uminit ang ulo ng natira. Hindi na din kasi ata makatayo sa sipang natamo yung unang sumugod kaya hinila na sila palayo ng ibang kasamahan

"Yun na ba?" pang aalaska naman ni Caltris

Natawa pa yung mga gangmates nya dahil umikot pa sya habang nakataas ang dalawang kamay sa gilid at pinapaalon pa na parang sumasayaw pa ng hiphop. Tama nga si Blue. Matatawa ka kapag si Caltris ang sumayaw

Hindi ko tuloy mapigilang takpan ang bunganga ko para hindi nya makitang natatawa na ako

"Tama na yan Dude. Nakakahiya ka na" nakangising suway ni Zyriel dahilan para magkatawanan kaming lahat

Pagkalipas din ng ilang minuto na pag aasaran nilang apat ay nagseryoso na din naman na sila.

"Tapusin na natin to. May lakad pa ako" inaantok na sabat ni Yuri

"Sus! If I know napagod ka lang kagabi kasama si Ana" nakangising turan naman ni Blue sakanya

Namula tuloy yung isa. Pero pumayag din na tapusin na agad ang laban. Sila na din ang unang sumugod. Kaya nagulat ang kalaban nila

Pilit silang hinahampas ng kalaban gamit ang mga arnis nila. Pero dahil sa bilis umilag at umatake ng mga ito ay wala silang kahirap hirap na napatumba ang mga ito.

Hanggang sa apat nalang din ang hindi pa natutumba.

Sa pagkakaalam ko. Ang pang apat daw ang kalaban ni Zyriel Habang ang pangatlo na humawak pala kay Ana ang kalaban naman ni Yuri. At pangalawa namang pinakamalakas ang kaharap ni Caltris at pilit palang humalik kay Aisha.

At si Blue ang kalaban naman ni Vrixter. Ang leader nila at pasimuno sa gulong ito. Kwinento kasi saakin ni Ana kung sino ang humawak sakanila. Kaya alam ko na kung bakit sila ang pinili nilang labanan ngayon

"I'll fucking make you pay for fantasizing my yobo" inis na banta Yuri sa kalaban nya

Natawa naman yung tatlo sa sinabi nya. Kami dito hindi masyado. Dahil hindi naman namin alam ang ibig sabihin ng yobo

Habang nakaantabay lang naman yung tatlo. Napag usapan kasi nilang 1 VS 1 nalang para mapagbigyan daw nila yung kalaban

.

Ferquin's Pov

Yobo means honey in korean language. Half korean kasi si Yuri at nung bata pa kami trip naming magturuan ng language ng isa't isa. Well except for Caltris na half american, kaya french ang pinag aralan nyang dagdag language. Si Zyriel kasi half Japanese kaya madali sakanyang intindihin si Yuri

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon