Chapter 11: In my dream

262 12 0
                                    

Ferquin's Pov

Fuck!

Sayang!

Yun na yun eh!

Mahahalikan ko na sana sya. Mabibigay ko na yung first kiss ko sakanya pero naudlot pa
-_____-

Si Sister kasi eh..

Totoong madalas ako sa bahay ampunan na yun. At close ko din yung mga bata. Pero hindi alam ni Aria na kinausap ko ang mga tao dun na tulungan akong pasayahin sya

Magiging sobrang saya ko na din sana ng pumikit sya sa paglapit ng mukha ko sa mukha nya eh. Pero hindi natuloy dahil nga kay Sister

Tsk.. Kakabadtrip tuloy

"Oh anong nangyari jan sa mukha mo?" nakakunot noong tanong ni Nat pagpasok dito sa tambayan namin

Kasunod nya si Jade at nakaakbay pa ang loko. Halatang nang iinggit eh

"Ito walang pinagbago.. Maganda pa rin" irap ko

Na ikinatawa ni Jade

Ay loko to ah! Hindi ako nagbibiro dun pero tumatawa sya? Paghiwalayin ko kaya sila?!

"Haha nice joke" tawa din ni Nat

Sinamaan ko sya ng tingin.

Mukha ba akong nagbibiro? Mga gagang to

"Sinong nagsabing nagbibiro ako? Totoo namang maganda ako ah" banat ko pa rin

Hay.. Hindi na nga ako pumasok para hindi ko makita si Aria at hindi ko na maalala yung naudlot naming halikan. Pero ngayon namang hindi ko sya nakikita.. Nababadtrip ako

Bwisit! Ang gulo ng utak ko!

"Oo na.. Bakit ba kasi mukhang badtrip na badtrip ka ha?" tanong pa rin ni Nat

"Wala.. Ano bang ginagawa nyo dito?" iritang sagot ko

Ayokong sabihin ang tungkol dun. Dahil paniguradong mang aasar lang sila at baka masakal ko pa silang dalawa

"Nakalimutan mo na ba? Camping natin ngayon! Nakaimpake ka na ba ha?!" tanong ni Jade

Nanlaki tuloy ang mata ko at agad akong napatayo

Shit! Nakalimutan ko nga!

"Oh no! I forgot" sabunot ko sa buhok ko

Nag alala din naman ang mga mukha nila

Akmang lalabas na ako ng biglang bumukas ang pinto bago ko pa ito mahawakan. Nakasunod din naman sa likod ko yung dalawa kaya natulak nila ako dun sa taong nagbukas

"Fuck!" mura ko ng madaganan ko yung taong yun

"Ikaw na nga nakabunggo ikaw pa ang nagmura" rinig kong komplain ng pamilyar na boses

Sya yung nabunggo ko

Tinignan ko tuloy ito ng masama. Pero agad akong natulala ng makita ko kung sino ang taong nabunggo ko..

"You guys alright?" dinig kong tanong ni Jade

"A-ahh Oo.. Blue alis.. Ang bigat mo" nautal na sagot nya. Bahagya nya pang tinulak ang balikat ko. Pero wa epek dahil natulala ako sakanya

Bakit ba kasi ang ganda nya eh.

Napatingin pa ako sa labi nyang muntik ko ng mahalikan kahapon

Kung ngayon ko nalang kaya ituloy?

"B-Blue.." napakagat labi na tawag nya sa pangalan ko

Fuck! Pati ako kinakabahan. Gustong gusto ko na syang angkinin ngayon din. Pero alam kong may tamang oras dun..

Loving You Is Strange (School Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon