Ako siya.
Inaayos ko na ang mga gamit ko at inalagay na sa bag ko. Para hanapin ang Gymnasium sa school na to.
Lumabas na ako sa room. Nang may biglang bumato ng kumpol na papel sa isa naming kaklase.
Wala na akong pake dun kasi hahanapin ko pa si Aldrich. Mukhang kaya niya naman ipagtanggol ang sarili niya. Kaya tumuloy na ako sa paglalakad.
Bababa na sana ako nang makita ko siya sa bintana na naluluha na. At tinignan rin ako na parang batang nanghihingi ng tulong ko.
Agad ko naman siyang pinuntuhan kasi nakakaawa siyang tignan.
"Magsitigil na nga kayo" pasigaw kong sinabi sa harapan nila.
Nagtatawan yung mga babae "Nag-sama ang mga nerd. Ewww. Mukha kayong basura" sabi nung babaeng mukhang palaka. Akala mo naman kung napakaganda niya.
Nilapitan ko siya at tinarayan "Pwede ba itigil mo na yan. Gusto mo bang isumbong kita sa Principal?" At tinarayan ko ulit yung taong palaka.
Nagwalk-out silang tatlo "Ewwwww!!! Ang cheap"
At hinayaan ko na lang sila. Hinila ko yung girl mula sa sahig at pinatayo ko siya.
Maganda naman yung girl kung medyo mag-ayos ayos siya. Yun nga lang nerd rin siya gaya ko.
Hindi ako makapaniwala na pinagtanggol ko siya. Samantalang hindi ko maipagtanggol ang sarili ko.
Nang makita ko kasi siya kanina na Inaapi. Nakita ko ang sarili ko sakanya. Kaya nagawa ko siyang tulungan.
To be continued....
YOU ARE READING
From Friends To Lovers
Teen FictionBestfriends who fall inlove with each other and turn into a lovers. This is the Cassandra's Experience about love. Kung paano siya mafafall sa isang guy na Bestfriend niya pla. Pilit niyang kalimutan ang nararamdaman niya pero hindi niya magawa.