Chapter 17

2 0 0
                                    


New friend.

Iniwan ko na siya sa room. Natulungan ko naman na siya sa mga palakang yun.

Nagmamadali ako tapos madadali lang ang oras ko dahil sakanya. Ano ba yan!

Naglalakad ako at hinahanap ko ang Gymnasium sa school na to.

Lumingon-lingon ako para makita ito. Tingin sa harap. Tingin sa kaliwa at kanan. Tingin sa likod.

Nang tumingin ako sa likod nakita ko yung girl na tinulungan ko. At parang sinusundan niya ako.

Hays! Nako naman. Baka may mang-api sa kanya tapos baka ako na naman ang mapapasubo sakanya e.

Tumakbo ako at tumakbo rin siya.

Lumiko ako. Lumiko rin siya.

Huminto ako. Huminto rin siya.

Hindi na ako makapagtimpi pa. Nilapitan ko na siya para makausap.

Nakaaimangot na ako kasi nakakaimbyerna na talaga "Ano bang problema mo? Sinusundan mo ata ako e! Pwede ba lumayo ka baka madamay na naman ako sayo" masyado atang napalakas ang pagkasabi ko nun.

Nakasimangot siya at mamaya-maya pa ay lumuha na siya.

Iyakin din pala tong girl na to e. Pero ang cute niya rin kung umiyak.

"Halah! Wag kang umiyak. Andaming tao rito baka sabihin nilang ako ang nagpaiyak sayo" Nagmamakaawa na ako sakanya na itigil niya to baka ako pa ang sisihin sa pag-iyak niya.

Pero kasalanan niya rin naman. Sinusundan pa kasi ako e.

Bigla niyang inabot ang kamay niya sa harapan ko "Laila Delo Santos. Gusto ko sanang makipagkaibigan sayo kung pwede lang?"

Naalala ko nung Nagpakilala kami isa-isa sa room. Siya pala yun. Siya yung gusto kong makipagkaibigan. Hays! Ang sama ko talaga sakanya e.

Kinuha ko ang kamay niya at nakipagShake hands "I'm Cassandra Brilliantes. Sorry pala sa pananaray ko sayo. I didn't mean it. I'm so sorry"

"No. It's okay. Can we be friends?" Ang tanong niya sakin. Agad ko naman siyang sinagot ng oo.

Bat naman hindi. Una palang gusto ko na siyang maging kaibigan kaya ayos na ayos lang.


Kaya may bago na akong kaibigan bukod kay Jake at Aldrich.

From Friends To LoversWhere stories live. Discover now