La douleur exquise (3)

3.3K 109 14
                                    

NICKI

"Sisa lang ang peg?" nakataas ang isang kilay na puna sakin ni Leigh

I sighed. "May iniisip lang ako" mahinahon na sabi ko at inabot ang wine flute na nasa table namin.

"Girls, join us!" anyaya samin ni Darius.

Dahil Friday night ngayon, nasa isang nightclub kami. Pero hindi gaya ng nakasanayan, hindi ako kila Levi sumama. Mas pinili ko na sumama sa pinsan ko at sa mga kaibigan n'ya.

"You go ahead, Da. Susunod kami" sagot ni Leigh at sinenyasan pa ang boyfriend n'ya na iwan kami.

Nakaramdam ako ng guilt dahil napipigilan ko ang pagsasaya ni Leighton.

"Go with Darius, Leigh. I'll be fine" sabi ko sa kanya at bahagya pa s'yang itinulak para umahon mula sa sofa. 

"No! I'll stay with you" giit n'ya at mas sumiksik pa palapit sakin. "I know naman na hindi ka mahilig sumayaw. Mag-inom nalang tayo hanggang malasing ka at sabihin mo na sakin ang iniisip mo" she mischievously smiled at me.

I rolled my eyes at her. "I don't have anything to share. You know how boring my life is." 

"Ganyan talaga kapag 25 years old na, virgin ka pa" she grinned at me.

I gasped then look around for anyone who might heard what she just said. 

"Watch your mouth!" I hissed at her

Her grin grew wider. "Ashamed, my dear cousin?"

I chose to ignore her and shut my mouth. I am not telling her what happened to Levi and I.

"Minsan napapaisip ako. Kaya ba virgin ka pa hanggang ngayon ay dahil gusto mo na sa wedding night mo isuko ang Bataan, o dahil may partikular kang tao na hinihintay na kumuha n'yan sa'yo" malisyosang tumitig s'ya sakin.

Naiilang na ako kaya mas pinili ko na uminom nalang. I thank God for my high alcohol tolerance.

"No comment ako sa mga kabaliwan mo" masungit na sabi ko na sinamahan ko pa ng irap kahit pa hindi ako sa kanya nakatingin kundi sa iba't ibang kulay na alak sa may lamesa namin.

"Hindi ka ba na-ku-curious kung gaano kasarap ang sex, Nicki?" dagdag pa n'ya.

Bigla ay nag-init ang pakiramdam ko. Naalala ko ang pakiramdam ni Levi sa loob ko. Masakit pero masarap. Naalala ko kung paano ko nalimot ang sakit dahil sa ginhawang hatid ng init ng katawan n'ya sa ibabaw ko. 

Napalunok ako nang maalala ko kung paano n'ya ako tinitigan habang binabaon n'ya ang sarili n'ya sakin. At ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko nang parang marinig ko ang ungol n'ya habang kumikilos s'ya sa ibabaw ko. 

Tinungga ko ang alak na hawak ko at mariing naipikit ko ang mga mata ko. At para namang pelikula na nag-replay sa utak ko ang nangyari samin ni Levi. Parang ramdam ko pa din ang haplos n'ya sa balat ko at ang mga halik n'ya sa katawan ko.

"Makipag-ons ka kaya ngayon?" 

Bahagyang napakislot ako nang magsalita muli si Leighton sa tabi ko.

"Ons?" kunut-noong binalingan ko s'ya.

Ano na naman kayang kabaliwan ang naisip nitong pinsan ko? 

Noong isang taon, niyaya n'ya ako na makipag-inuman sa kanila ng mga kaibigan n'ya at nilasing nila ako. Nang magising ako ay may tattoo na ako sa tagiliran sa gilid ng kaliwang dede ko. Una pa doon ay inutusan n'ya ang hairstylist ko na tarantaduhin ang buhok ko nang magpa-parlor kami nang sabay. Naging light brown ang buhok ko at napilitan ako na magpa-pixie cut. Sabi n'ya ay kamukha ko daw si Alice Cullen ng Twilight. 

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon