Wife

1.6K 81 24
                                    


"Bakit ba ang sama mo makatingin?" nakangising tanong n'ya sakin. Nakaupo s'ya sa paanan ng kama n'ya at titig na titig sakin habang nakatayo ako sa harap n'ya. 


Nandito kami ngayon sa kwarto nila ni Kuya. Kararating lang nila ni Kuya kanina dahil bakasyon na sa eskwela. Busy pa si Kuya sa pagbibida kila Nanay sa baba kaya malaya kaming mag-usap ni Trey ngayon na walang pa-epal. 


Inirapan ko s'ya. "Sino si Lilian? Bakit ang dami n'yang chat sa'yo?" inis na tanong ko. "Nag-date kayo? May pictures pa kayong dalawa sa IG na naka-tag sa'yo!"


Lalong lumaki ang ngisi n'ya. Hinila n'ya ang palapulsuhan ko at pinulupot n'ya ang braso sa bewang ko. Ibinaon n'ya ang mukha sa tyan ko. "Wala 'yon. Kaklase lang namin" sagot n'ya at mas yumakap pa. "Miss na miss kita. 'Wag mo na ko awayin, wife."


Inis na hinila ko ang buhok n'ya. Grade 11 na sila sa pasukan at alam ko naman na madaming babae ang nagkakagusto sa kanya. Alam ko ang password sa mga social media accounts n'ya at aware ako sa mga nagpapapansin sa kanya. At naiinis ako!


"Marron, 'wag ka na magselos d'on. Props ko lang 'yon para hindi magduda si Kipp" masuyong sabi n'ya pa.


Umismid ako. Hindi n'ya pwede sabihin sakin na 'wag magselos! Kapag ba nagkasugat ka, pwede mo ba sabihin sa sugat na 'wag dumugo at 'wag sumakit? Tsk. 


Ako ang may gusto na sikreto lang ang mayroon kami. Mas okay kasi na ganito. Malaya kami. Pero minsan, nakakainis na ang daming malalandi sa paligid n'ya, at bawal ko s'yang angkinin! 


Kapag nalaman nila Nanay at Tatay na may something samin ni Trey, alam ko na babantayan nila kami nang maigi. Nakakainis lang ang gan'on. Paghihigpitan ako at madami ang magiging bawal. Natatakot din ako na mag-iba ang turing nila kay Trey. Baka hindi na s'ya payagang mag-stay dito sa hacienda. 


Hinila n'ya pa ako hanggang sa mapakandong na ako sa kanya


"Pumayat ka, wife" malambing na sabi n'ya at humalik sa balikat ko. "Nasobrahan ka na yata sa pagiging athletic mo"


Ngumisi ako sa kanya. "'Di ba, ganito ang gusto mo?" tinaasan ko s'ya ng kilay.


Nang mag-grade seven ako, madami nang nanligaw sakin. Nagulat nalang ako nang biglang umuwi sila Kuya at Trey dito kahit na may pasok pa. Nanghahaba ang nguso ni Trey habang sinasabi sakin kung gaano s'ya naiinis sa mga manliligaw ko. Lahat ng friend requests sa FB at follow requests sa IG at ni-decline n'ya. Ang mga friends ko na lalaki na nagpapadala ng messages na hindi related sa school works ay ni-unfriend n'ya. Matyagang inisa-isa n'ya ang lahat ng friends ko, at ang sa tingin n'ya ay manglalandi lang ay ni-block n'ya. 


Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa kanya. Gustung-gusto na n'yang i-announce noon na sa kanya ako. Territorial si Mr. Amante.


Para matigil s'ya, sinabi ko nalang na magpapaka-boyish ako para walang magkagusto sakin. Nag-promise naman s'ya na magiging masungit na s'ya sa iba.  Okay naman kami for the whole school year. Naiinis lang talaga ako sa Lilian na 'yon na feeling girlfriend! 

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon