BEST I CAN

278 9 0
                                    

I can't explain the disappointment I am feeling right now.

Forty six points. Almost there. Almost.

"Kipp" Trey tapped my shoulder.

We're both catching our breaths.

"Thanks, bro" I said while still catching my breath

"Congrats, guys!" Carlo shouted in a happy tone.

Our classmates congratulated us.

But I don't feel like celebrating.

May mga kaklase na lumalapit sakin pero hindi ko sila pinansin. Nilampasan ko lang silang lahat at tumuloy na ko sa bleachers kung nasaan ang bag ko.

"Here" inabot sakin ni Dara ang isang bote ng Gatorade. Binigyan din n'ya si Trey.

"Bakaw na bakaw mo ang bola, Kipp" puna ni Ate Avy na katabi din ni Dara sa mas mataas na level ng bleachers.

Hindi ako kumibo.

Ayon 'yong mas nakakainis e. Binakaw ko na nga, binigay ko lahat ng kaya ko, pero kulang pa din.

"Next game, Kipp" Trey said while he nudged at my side

I just shook my head. There's no next time.

Ang deal namin ni Dax, sa first game.

"Trey, bakit hindi naman mukhang masaya si Kipp?" tanong ni Kuya Tristan

Trey shrugged.

"Because he failed to produce fifty points" Dara answered

Kuya Tristan sat beside me. "Maganda naman laro mo. And Forty six points is no joke!" inakbayan n'ya pa ko.

Hindi na ako kumibo. I know Dara will answer anyway.

"May pustahan sila ng nililigawan n'ya. Fifty points then sila na" Dara answered

Kuya Tristan whistled.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay n'ya sakin. Tumayo ako at kinuha na ang bag ko.

Hingal pa ako pero mabilis ang mga lakad ko.

"Skipper!" malakas na tawag sakin ni Casey pero hindi ko na pinansin.

Mabuti nalang at last game ngayong araw ang game namin. Alam ko na nakaabang na sakin si Kuya Marlon sa labas ng gate.

"Kuya Marlon, sa bahay tayo nila Lola" seryosong sabi ko nang makapasok ako sa sasakyan. Humiga ako sa backseat.

Ngayon lang ako na-disappoint ng ganito. 'Yong binigay ko naman lahat ng kaya ko. Higit pa nga 'yon sa limitasyon ko. Pero kinulang pa din.

Umasa na ko e. Na magiging akin na si Dax. Pero wala pa din.

"Kipp, tumutunog ang telepono mo" sabi sakin ni Kuya Marlon.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinatay.

I just want to be alone in my bubble.

"Si Skipper?" tanong ko kay Trey nang makalapit ako sa pwesto nila.

Tumingin silang lahat sakin. Medyo nailang ako.

"S'ya 'yon?" tanong ni Avery Jane Jacobs.

Kilala ko s'ya kasi sikat s'ya dito sa school. Kaka-graduate n'ya lang three years ago ng grade 12. S'ya ang vocalist ng Fearsome Euphoria.

"Guys, this is Dax" pakilala ni Trey. Hingal na hingal pa s'ya mula sa laro.

I curtly smiled at them.

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon