HIS FIRST LOVE

671 9 1
                                    

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Kipp. Nagtataka ang ekspresyon n'ya nang lingunin n'ya ako.

"Nakakahiya naman" bahagyang ngumiwi pa ako.

Kinunutan n'ya ako ng noo. "Bakit naman? Nanay's excited to meet you. Iba na syempre ngayon kasi girlfriend na kita" nakangising sabi n'ya at hinila ulit ang kamay ko.

Nandito kami ngayon sa Enchanted Kingdom at ang sabi n'ya ay nand'on na daw lahat. Natagalan kami na makarating dahil hinintay pa namin si Dara. Sa huli pala ay hindi din naman sasama. Kami lang ni Kipp ang magkasabay na pumunta dito dahil si Trey ay sa pamilya n'ya sumabay.

Nang nasa loob na kami ng park ay mas dumoble ang kaba ko.

"There they are!" sabi ni Kipp matapos magpalinga-linga. Hinila na naman n'ya ako at ako ay tahimik na sumusunod lang.

Paano kung hindi ako magustuhan ng Nanay at Tatay n'ya? Paano kung isipin nila na malandi ako? Fifteen years old palang ako at may boyfriend na agad ako.

Nang mamataan kami na palapit ay sumalubong na si Saskia Aragon. Grabe, ang ganda n'ya talaga!

"Skipper" maligayang sabi ni Saskia Aragon at niyakap ang anak.

Binitiwan ni Kipp ang kamay ko at yumakap sa nanay n'ya.

"Nay! Miss na-miss ko po kayo" malambing na sabi ni Kipp at humalik sa pisngi ng Nanay n'ya. Kumalas s'ya at binalingan ako. "Si Dax po" pakilala n'ya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang ngitian ako ng nanay n'ya. "G-Good afternoon po" nahihiyang sabi ko.

Napakislot ako nang may umakbay sakin. Nang tignan ko ay si Trey lang pala.

"Nanay Cleo, this is Darlene Aiyana. Skipper's girlfriend" nakangising pakilala n'ya.

Lumapit si Kipp at inalis ang braso ni Trey sakin. "Shoo" pagtataboy n'ya.

Humalakhak si Trey. "Selos ka?" nakangising tanong ni Trey.

Biglang sumulpot si Marron at yumakap sa Nanay nila. Ang lalambing lang ng mga Vergara. "Nanay, tawag ka ni Tatay. Nadapa si Candy t'as dumudugo 'yong tuhod n'ya"

Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni miss Saskia. Nagpaalam s'ya samin at umalis na. "Enjoy kaya a" nakangiting bilin n'ya bago tuluyang umalis.

"Hoy, Trey! Tara mag-Space Shuttle tayo" yaya ni Marron at hinila na si Trey.

Naiwan kami ni Kipp. Hinawakan n'yang muli ang kamay ko. "Pasensya na, medyo magulo sila" nangingiwing sabi n'ya.

Naglakad-lakad kami hanggang sa may food court. Ang mga matatandang lalaki ay nag-ipon sa isang lamesa at nag-iinuman.

"Tatay, si Dax po, girlfriend ko" sabi agad ni Kipp nang makalapit kami.

Parang gusto ko nalang na tumakbo palayo nang lahat ng mga pares ng mga mata ay tumutok sakin. Ang iba sa kanila ay nakangiti samantalang ang ilan ay seryoso lang.

Pinakilala ni Kipp ang Tatay n'ya, si Mr. Amante at Tito Nex na kilala ko naman na, Tito James, Tito Mac, Tito Rath, at Tito Eric n'ya.

"Nag-girlfriend ka na?" nakangising tanong ng isa na kakaupo lang sa lamesa. Nakita ko na s'ya dati pero hindi ko maalala ang pangalan n'ya. "I thought you'll be waiting for Tricia to come back?" may panunukso sa tono n'ya.

Sino si Tricia?

Kumamot si Kipp sa batok n'ya. "Tito Jack naman e. Ten palang ako n'on" nangingiwing sabi n'ya at tinignan ako na medyo humihingi ng tawad.

RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon